Chapter 21 - Relax

8.4K 133 12
                                    

James POV

Isa na namang nakakainis na araw. Andito kami ngayon sa booth ng club namin at nag-iiscreen ng mga gusting maging members.  And as expected ay marami na naman ang pumipila. Idea nina Albert at Dominic ang pag-organize ng club na ito at wala talaga ako balak sumali pero sinabi nila na isa ako sa organizers. Para daw mas maraming sumali.

Kahit kalian puro talaga sila kalokohan. Inorganize lang naman nila itong club na ito para makaporma sa maraming babae. Actually halos lahat ng members namin ay babae. Silang dalawa lahat ang pumipili. Nakatanga lang kaming dalawa ni Stephen sa may sulok, wala kaming ginagawa.

Parang audition sa pageant, dancing, singing, all around na ang nangyayari. Kung anu-ano ang pinapagawa nilang dalawa sa mga babae. Pinapasayaw, pinapakanta, pinapalakad, pinapaikot at kung anu-ano pa. At pumapayag naman sila. They’re that desperate.

Tumingin ako sa wrist watch ko. Malapit ng mag twelve. Mabuti naman at mabebreak na, talagang naiinis na akong panoorin sila dito.

And then nag ring ang phone ko. Si Annika.

“James tapos na ba kayo diyan? Pupuntahan ko na kayo---“

 

“Mabuti pa nga, mukhang walang balak tumigil nitong dalawa. Pagsabihan mo” pagkasabi nun ay ibinaba ko na agad ang phone ko.

“Was that Annika?” si Stephen. Kagigising lang niya.

“I can’t believe you Stephen, paano mo nagawang matulog sa ingay nila?”

 

Tinawanan muna niya ako bago sumagot. “Mababait na nga sila ngayon eh. Kita mo, hindi sila tumitili, kasi alam nila na paaalisin sila at hindi na sila makapasok sa club natin. Masyado mo kasing sineseryuso ang mga nangyayari dito, magrelax ka naman paminsan-minsan.”

 

“magrelax? How can I relax kung ganito kadesperado ang lahat ng mga babae dito.”

“Hindi naman lahat, there’s a few that is not like that”

 

“And who are these few?”

 

“Well, our Annika—“

 

“Annika is not counted Stephen.”

 

“Well then, how about Diana” and then he smiled.

“What the heck Stephen”

 

“What” painosente pa ang gago.

“Stop teasing me, will you.” Lalo pa akong tinawanan. Kalian pa siya natutong mang-aasar.

“I’m not teasing you James, why would I? ------ Anyways” pinutol nito ang sasabihin at ngumuso sa may pinto.

Paglingon ko ay muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko sa sobrang gulat ko. Mabuti at mabilis ang reflects ko.

SHIT!!!

What the hell is she doing here?

Napalingon siya sa amin kaya nagbawi agad ako ng tingin. Wrong move. Dahil nakita ko naman iyong nang-aasar na ngiti ni Stephen. And then bago siya umalis at lumapit kina Annika ay may ibinulong muna siya sa akin.

“Relax James, huwag ka naman masyadong magpahalata”

 

And what does he mean by that?

After a few moments ay lumapit na rin ako sa kanila. No choice, tinatawag na kasi ako ng makulit na si Annika. Naipatigil na ni Annika ang auditions, tama nga ako, siya lang makakapigil sa dalawang ito.

“Bakit nga pala kayo magkasama nitong si Annika Diana?”

 

“You know what guyz, she joined my club.”

 

“Oh really, that’s great. I’m sure sobrang saya nitong si Annika kasi magiging close na kayo.” She smiled at Dominic. Why do I never get that smile?

“Okay enough of chitchat. Why don’t we eat already, I’m hungry.” Si Stephen. Tapos kinuha niya ang plastic na may lamang pagkain kay Annika.

 

“Actually we ate already, nagpunta lang kami dito ni Diana para ihatid iyang pagkain so aalis na kami. --- Diana let’s go.”

 

“Okay… sige aalis na kami. Bye Albert, Dominic, Stephen. It’s nice to see you again.”

 

Pagkapaalam niya ay umalis na sila ni Annika.

And then the three of them kept staring at me. “What now?”

 

“She didn’t say goodbye to you.” Oh shit. Kailangan ba ipamukha pa nila sa akin iyon. Narinig ko naman eh, sa kanilang tatlo lang siya nagpaalam hindi naman ako bingi.

“Eh ano naman ngayon? Like I care.”

 

Yeah like I care.

I don’t care kung hindi niya ako pinansin.

I don’t care kung nakalimutan niyang magpaalam sa akin or

Sinadya niya talaga na gawin iyon.

I don’t care.

I really don’t care.

 

 --------------------------------------------------------------------------------


Author's note

There you are...

Next week na lang ulit....

tatapusin ko pa iyong project naming business portfolio sa monday na deadline eh..

hahahahahah

When Suplado Boy Meets Palaban GirlWhere stories live. Discover now