Chapter 29 - Slave and Not Nurse

8.9K 120 3
                                    

Diana's POV

Nakatayo na ako ngayon sa labas ng 'recreation room'. Ngayon ko nga lang din nalaman na meron palang ganito sa school. Ang room daw na ito ay exclusive lang para kina Nathaniel at sa mga kaibigan nito. Sila lang ang pwedeng gumamit or pumasok. Ang unfair talaga kahit kailan.

Huminga muna ako ng malalim bago ako kumatok sa pinto. Pinapupunta ako ni Nathaniel dito. Kailangan ko na daw simulan ang pagiging nurse ko sa kanya. Kaya lang para namang hindi nurse ang nagiging dating ng mga ipinapagawa niya sa akin kung hindi ALIPIN. Mukhang balak akong gawing slave ng abnoy na iyon. May mga rules-rules pa siyang nalaman.

Tsssk. Kung hindi lang talaga ako naguguilty ay asa pang aalagaan ko ang ungas na iyon. Baka baliin ko pa lalo ang braso niya.

"Come in."

 

Narinig kong sabi ng isang tao. Sigurado akong siya iyon. At hindi nga ako nagkamali dahil pagbukas ko ng pinto ay siya agad ang nakita ko. Nakaupo ito sa sofa habang ang mga paa ay nakapatong sa mesa at nanonood ng t.v.

Medyo napaawang ang labi ko ng makita ko na ang loob ng kwarto. Ang ganda at ang laki niya. May sala, may dining table din.... kitchen at bedroom na lang ang kulang para maging buong bahay na siya. Mukhang mamamahalin din ang mga gamit na nakadisplay.

Recreation room daw, eh mukhang sobra-sobrang pagrerelax naman yata ang ginagawa nila dito eh.

"Nandito na ako.." sabi ko sa kanya ng makalapit na ako.

"Oo... nakikita ko.."

 

Napasimangot ako. Tsssk. Ang sungit talaga. Sana hindi na lang ako nagsalita.

"Anong kailangan mo?"

 

Nilingon lang niya ako sandali tapos ibinalik na niya ang atensiyon niya sa panonood ng t.v.

Ano to? Balak ba niya akong patayuin lang dito sa tabi. Pinaexcuse niya ako sa klase dahil sabi niya importante daw pero parang wala naman yata siyang kailangan. Ginagalit talaga ako ng sira-ulong ito. Kapag ako hindi nakapagpigil ay tatadtarin ko siya ng pinung-pino.

"Hoy ano ba? May klase pa ako."

 

"Ano ba ang gulo mo. Maupo ka na nga lang dito. Nang-iistorbo ka eh."

 

Pumunta ako sa harap niya at hinarangan ang panonood niya.

"Anong nang-iistorbo ka diyan? Sino kayang nagpapunta sa akin dito, di ba ikaw?"

 

Reklamo ko sa kanya. Mukhang nainis naman siya dahil sa ginawa ko. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako paupo. Sa sobrang gulat ko ay hindi agad ako nakapagreact. Nanlaki ang mga mata ko ng hindi niya ako sa sofa pinaupo kung hindi sa kanya mismo. Nakaupo ako sa lap niya.

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko na maexplain kung gaano kami kalapit sa isa't-isa. Nakakandong nga ako sa kanya remember. Basta naamoy ko na siya. I mean ang pabango niya. Ayan, nagkakapalit na laman ng utak ko. In fairness ang bango ng ungas.... Mas mabango pa yata siya kaysa sa akin.

Ng mapatingin ako sa mukha niya ay lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Feeling ko nangangatog ang tuhod ko. At ang init-init na ng mukha ko.

Tatayo na sana ako ng pigilan niya ako.

"A-a-no ba?...."

 

When Suplado Boy Meets Palaban GirlWhere stories live. Discover now