Chapter 24 - Boyfriend

8.6K 136 9
                                    

Diana's POV

Sa malapit lang daw kami na fastfood chain kakain. Dahil malapit lang siya kaya maglalakad lang kami papunta doon. Tinext ko ang driver ko at sinabing doon na lang niya ako sa fastfood chain sunduin.

Habang naglalakad kami palabas ng building ay hindi ko maiwasang mainis.

Kasi naman eh.... Ang Nathaniel na iyon. Everytime na magtatama ang mga mata namin ay may nakikita akong kislap sa mga mata niya. Hindi nga siya nakangiti pero makikita ko sa mga mata niya na pinagtatawanan niya ako.

Para bang sinasabi ng mga mata niya na "hahahahahahahahahahaha".

Nakakaasar talaga. Sa tuwing maalala ko ang nangyari kanina ay parang gusto kong maiyak. Maiyak sa inis. Ano ba kasing nakain ko at ganon ang naging reaksiyon ko. Wala pa man siyang ginagawa ay kung anu-ano nang naiisip ko.

Malapit na kami sa school gate ng biglang magvibrate ang cellphone sa bulsa ko. Akala ko reply iyon ng driver ko pero nagkamali ako. Si Edrian ang tumatawag. Sinagot ko agad ang tawag niya.

"Kung ganyan ka kabagal maglakad malamang bukas ka pa makalabas ng gate niyo"

 

 

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Paano niya nasabi na mabagal akong maglakad?

 

"Ha????" tanong ko sa kanya.

 

 

Pero hindi siya sumagot. Basta na lang niya pinutol ang tawag. Napasimangot na lang ako.  Ano naman kaya iyon? tanong ko sa sarili ko.

 

 

Tapos may nahagip ang mga mata ko na lalaking kumakaway. Si Edrian. Napangiti ako. Kaya pala. Kaya naman pala niya nasabi iyon. Nakikita pala niya ako.

 

 

Agad akong napatakbo papunta sa kanya. Nasa mismong labas siya ng gate namin at naghihintay habang nakasandal sa kotse niya. Sa ayos niya ay para siyang model. Well, gwapo rin talaga ang kapatid ko, at matangkad pa. Kaya may pinagmanahan ako.

Sinali ko naman sa papuri ang sarili ko.

 

"Edrian, anong ginagawa mo dito?" tanong ko agad sa kanya ng makalapit na ako.

When Suplado Boy Meets Palaban GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon