Chapter 9 - The Set-up

9.6K 174 13
                                    


James’ POV

It's really her. Nakita din niya ‘ko. And guess what she did. She changes her direction imediately. Acting like she didn’t saw me.

Hindi ko alam kung bakit pero sinundan ko ang babaeng’yun. At talagang nagtatatakbo pa siya. Akala mo naman magnanakaw na hinahabol ng pulis. Kaya lang mabagal naman siyang tumakbo kaya madali ko siyang naabutan. Ni hindi nga niya napansin na nalagpasan ko na siya. Busy sa kakatakbo.

Mukhang napagod na ata siya sa kakatakbo at huminto. Tumingin-tingin muna siya sa paligid habang hingal na hingal. Mukhang may hinahanap siya. At mukhang ako ‘yun. Habang patingin-tingin siya sa paligid ay lumapit ako sa kanya.

"Hay. Salamat naman." she said

"Anong salamat?"

"Ay palakang mukhang tipaklong" Bigla niyang naisigaw ng makita ako sa harapan niya. Kelan pa naging magugulatin ang babaeng ‘to.

"Palakang mukhang tipaklong? Ano namang pauso ‘yan?"

"Bakit ka ba nangugulat?" tanong niya sa ‘kin habang nakahawak pa rin sa dibdib niya. Mukhang nagulat nga talaga siya.

"Hindi naman kita ginulat ah."

"Hindi nga. Pero huwag ka namang susulpot na lang nang basta-basta. Aatakihin ako sa puso sa ‘yo eh."

"Kung saan-saan ka kasi nakatingin."

"Pakialam mo ba? At saka bakit mo ba ako sinusundan? Ano na namang kailangan mo sa ‘kin?"

Aba at talagang inisip niya na sinundan ko siya ah. Pero talaga namang sinusundan ko nga siya. Siyempre hindi  ko ‘yun aaminin. Baka kung ano pang isipin nang babaeng ‘to.

"Anong sinusundan ka diyan? Bakit ko naman gagawin ‘yun?"

Bakit nga ba? I asked myself. Kasi ng makita ko siyang  tumakbo palayo ay sinundan ko na lang siya basta. Hay. Nababaliw na yata ako. Bakit ko pa ba siya sinundan?

"Aba, malay ko sayo. Ikaw tong sunod ng sunod diyan tapos ako ang tatanungin mo."

"Eh sa hindi nga kita sinusundan. Ba't ba ang kulit mo?"

"At ako pa ngayon ang makulit? Sino kaya sa ‘ting dalawa ang unang lumapit ha? Ako ba? Di ba ikaw?"

Aba’t talagang inaasar ako ng babaeng ‘to ah. Bakit ba ayaw niyang magpatalo?

"Bakit sayo ba ‘tong park? Sayo ba? At saka anong lumapit, nagkataon lang na nandiyan ka sa malapit. Kung alam ko lang na andito ka eh di sana hindi na ako pumunta rito."

When Suplado Boy Meets Palaban GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon