Chapter 52 - Dinner

7.8K 172 26
                                    

Dedicated to sa’yo omono27. Hindi kasi talaga ako makaget-over doon sa sinabi mo na maglandian muna. Anyway hindi ko inaasahan na mamemeet agad iyong quota ko. Akala ko aabutin pa nang isang linggo. Well hindi pa rin naman talaga siya totally namemeet. Pero dahil may sobrang makulit diyan ay hindi na rin ako nakatiis. Nag update na rin ako .

Anyways  ang quota ngayon is 400 reads, 40 votes and 30 comments. Still not counted iyong dalawang beses na nagcomment. Same things goes with my reply. Pasensiya na at ang dami kong arte.

 

iamhopelessromantic

 

 

 

Nagsimula na akong maglakad palabas ng room namin. Ako lang mag-isa. Dapat may gagawin kami sa club namin kaya lang nag-excuse ako. Sinabi ko kay Annika na may importante akong gagawin kahit wala naman talaga. Nakokonsensiya nga ako. Mukha kasing nag-alala siya.

Pero anong magagawa ko. Baka puntahan ako ng ungas doon. As much as possible ayoko siyang makita. Tsaka ang daming tao dun, baka magka-issue pa ng wala sa oras.

Habang naglalakad ako ay pakiramdam ko may sumusunod sa'kin. Tumigil ako at nilingon ang likuran ko. Walang ibang tao. Hindi ko na lang pinansin at nagpatuloy na ako sa paglalakad. Kaya lang hindi talaga ako mapalagay. Wala naman akong naririnig pero ramdam ko na may nakasunod sa akin. Instinct kung baga.

Nagsisimula na akong matakot. Wala kasi akong makitang ibang tao sa paligid. Asan na ba ang ibang students? Oras nang uwian dapat maraming tao pero bakit wala yata silang lahat.

Binilisan ko ang lakad ko. Tapos bigla akong tumigil sabay tingin sa likod.

"Huli ka!"

 

Inikot ko ang paningin ko. Kung may makakakita sa'kin iisipin talaga nila na nababaliw na ako. Wala talagang tao sa likod ko. Napabuntunghininga na lang ako. Kahit kelan ang praning ko talaga. Epekto na siguro to ng pag-iwas-iwas ko doon sa ungas na yun.

Itinuloy ko na lang ulit ang paglalakad ko. Nang makailang hakbang na ako ay hindi ko mapigilang mapakunot ang noo ko. Kung kanina ay nararamdaman ko lang na may sumusunod sa akin, ngayon naman ay nakakarinig na talaga ako ng mga yabag.

Parang nanindig ang mga balahibo ko. Palakas kasi ng palakas ang mga yabag. Ibig sabihin palapit na nang palapit ang sumusunod sa akin. Hindi ako tumigil sa paglalakad. Natatakot ako na baka abutan ako kapag ginawa ko yun.

Hindi rin ako lumingon. Gusto ko isipin ng sumusunod sa akin na hindi ko siya napapansin. Bumilang ako hanggang tatlo. Tapos.

Takkboooooooooooooooooooooooo...

 

 

"Waaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh."

 

Panay ang sigaw ko habang tumatakbo. Tapos nararamdaman ko na lang na may biglang humawak sa magkabilang braso ko. Higit sa lahat hindi ko na maiapak ang paa ko sa lupa.

When Suplado Boy Meets Palaban GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon