Chapter 31 - Palaban Girl is Back

8.4K 121 2
                                    

Diana's POV

Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh.

Hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko na sumigaw. Sumisigaw ako habang nagpagulong-gulong sa kama ko.

Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh.

Sumigaw na naman ako. Actually gusto ko rin umiyak kaya lang walang luha na lumalabas sa mata ko. Kaya naman ngayon ay sumisigaw na lang ako baka sakaling mabawasan nito ang hiya na nararamdaman ko.

Nakakahiya talaga.

 

 

Kauuwi ko lang galing sa school at dumiretso na agad ako sa room ko para mag emote.

OO, mag emote talaga.

Kasi naman no, sobrang nakakahiya talaga ng nangyari kanina. At ngayong naaalala ko na naman iyon ay parang gusto ko nang mamatay.

flashback...

 

 

 

"Hey Jam-------"

 

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig ng marinig kong may nagsalita. Napalingon kaming dalawa sa may pinto.

Si Albert at Dominic. Nakanganga ang mga bibig. Gulat na gulat.

"Sorry, di namin sinasadya..." sabi nila. Lalabas na sana sila pero pinigilan sila ni Nathaniel.

Nakalayo na agad siya sa akin. Ganoon kabilis. Samantalang ako ay hindi pa rin makagalaw sa kinuupuan ko. Sobrang nanginginig ang tuhod ko. At ni hindi ko magawang magsalita.

What just happen?

Sa sobrang gulat ko ay parang bumagal ang takbo ng utak ko.

Napatingin na lang ako sa mga kaibigan ni Nathaniel. They're not saying anything pero kakaiba ang mga ngiti nila.

Oh my God.

This is so embarassing.

I wish I could just dissapear.

Or kung hindi naman sana mahimatay na lang ako.

Hindi ko sila kayang harapin.

Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas para tumayo. At nang makatayo na ako ay agad-agad akong pumunta sa pinto at lumabas.

When Suplado Boy Meets Palaban GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon