Chapter 62 - Date

4.6K 108 8
                                    

Hi guyz, eto na yung update ko... Dedicated to sa'yo jnylevol... Thanks sa paghihintay

iamhopelessromantic

Nagyaya sina Albert at Dominic na magpunta sa mall bilang celebration sa pagkapanalo nila. Nagpunta muna kami sa isang restaurant para kumain. Natapos na kaming umorder pero hindi pa rin naaalis ang simangot sa mukha ni Nathaniel. Lalo pa yong nadadagdagan dahil sa pang-aasar nina Albert at Dominic.

Nang dumating na ang order namin ay kumain na kaming lahat. Well maliban sa kanya. Sa tuwing naaalala ko kung bakit ganyan ang pagmumukha niya ay hindi ko mapigilang matawa.

"Tsssk."

 

"Bakit hindi ka kumakain?"

 

"I'm not hungry."

 

Hindi man lang siya nag-abalang tingnan ako. Mukhang nagtatampo nga.

Nag-slice ako ng pagkain sa plate niya.

"Ahhhhh?"

 

Tiningnan muna niya ako sandali. Nag-smile naman ako. Nang akmang kakainin na niya iyong isinusubo ko ay mabilis ko yung sinubo sa bibig ko.

"Hmmmm. Masarap. Try mo."

 

"Buking ka na James. Gusto mo lang magpasubo kay Diana eh."

 

"Tsssk. Gusto mo isubo ko tong tinidor sa'yo Albert?"

 

Nag peace sign si Albert habang pinipigilan ang pagtawa.

Padabog na ibinagsak ni Nathaniel ang utensils niya saka umalis. Mukhang nasobrahan ko na yata sa pang-aasar. Mabilis akong tumayo para sundan siya. Sa sobrang pagmamadali ko ay hindi ko napansin na may kasalubong ako. Nagkabanggaan kami.

Napangiti ako ng makita kung si Erika ang nabangga ko. Kaya lang biglang napawi ang ngiti ko nang makita na iba ang tingin niya sa'kin. Hindi na friendly na tulad nang dati after niyang sabihin na napapanggap lang sila ni Nathaniel. Sa di ko malamang dahilan ay parang galit na galit siya sa'kin.

When Suplado Boy Meets Palaban GirlWhere stories live. Discover now