Chapter 64 - Trust

4.2K 98 9
                                    

Hello... Dedicated for you... Sabi mo kasi cute ang WSBMPG...

iamhopelessromantic

 

“We’re here.” Tiningnan ko muna si Edrian. Siya na ang naghatid sa ‘kin sa school at siya na rin daw ang susundo mamaya.

“Remember what I told you Diana. Stay away from him.” Sabi nito pagbukas ko nang pinto nang kotse. Hindi ako makasagot kaya tumango na lang ako tapos bumaba na nang kotse. Nasundan ko na lang nang tingin ang papalayong kotse.

Napabuntunghininga ako. Matapos nang narinig niya kay Erika ay hinila na niya ako paalis nang restaurant. Naiwan naming nakatulala sina Erika at ang mga kaibigan ko. Hindi pa ako nakakapagpaliwanag sa kanila.

Sa buong biyahe pauwi nang bahay ay hindi kami nagkibuan ni Kuya Edrian. At pagdating namin nang bahay ang sinabi lang niya ay “stay away from him” tapos umakyat na siya nang kwarto. Ni hindi niya ako pinagsalita.

Hindi ko alam kung ano ba talagang nangyayari. Hindi ko maintindihan ang reaksiyon niya. Parang galit na galit siya sa nalaman niya. At ngayon nga ay siya ang naghatid sa’kin.

Sina Ina, Nica at Charlotte agad ang hinanap ko pagdating ko nang room namin. Nang Makita nila ako ay nag-iwas sila nang tingin sa ‘kin. Inasahan ko na naman ang reaksiyon nila. Nagsinungaling ako. Lumapit ako sa kanilang tatlo.

“This must be a great explanation Diana.” Sabi ni Charlotte. At sinabi ko na sa kanila ang lahat-lahat. Magmula sa umpisa. Wala na ‘kong tinira. Habang nagkukwento ay hindi ko namalayan na napaluha pala ‘ko. Nagkahalo-halo na siguro ang nararamdaman ko. Naguguluhan ako sa inasal nang kapatid ko at the same natatakot ako na baka hindi ako maintindihan nang mga kaibigan ko. Higit sa lahat, hindi ko alam ko kung anong gagawin ko kay Nathaniel.

Niyakap ako ni Nica. “We’re so sorry Diana. We didn’t know.”

Kumalas ako sa yakap niya at pinahid ang luha ko. “Ako nga tong nagsinungaling sa inyo. I’m so sorry girls. Natakot lang talaga ako.”

“Naintindihan namin Diana. Wala ‘yun.” Sabi ni Ina na nagpapahid na din nang luha. Naiyak din pala siya. Nagkatawanan na lang kami sa sobrang kadramahan namin.

“What was you’re brother’s name again? Was it Edrian?” Tumango lang ako bilang sagot sa tanong ni Charlotte. Natahimik siya sandali, parang may malalim na iniisip. Pagkatapos ay bigla na lang niya hinampas nang kamay niya ang mesa. Nagulat naman kami.

“What the hell Diana. Why didn’t I realize it before. You’re an Alcantara.”

“Anong problema mo Charlotte? Of course she is.”

“That’s not what I meant Nica. Edrian Alcantara. Hindi mo naalala kung sino siya?”

Nagpalipat-lipat na lang ako nang tingin sa kanilang dalawa. Pati si Ina ay mukhang napapaisip na rin.

“Oh my God!” sabay na bulalas nilang tatlo.

“How could you not tell us about it?” hysterical na sabi ni Charlotte.

“About what?”

“For crying out loud. Isa kang Alcantara.”

“And then?”

“Hindi ko maimagine ang magiging reaction nang schoolmates natin once malaman nila na isa kang Alcantara.” Si Nica na nagpalakad-lakad na.

“Pero alam na naman nila ‘yun.”

“But they didn’t know na anak ka nang may-ari nang Alcantara Group?”

When Suplado Boy Meets Palaban GirlWhere stories live. Discover now