Chapter 25 - His Female Version

8.6K 134 1
                                    

Diana's POV

Tiningnan ko ulit ang relo ko. Gosh... kahit anong tingin ang gawin ko, parehong oras pa rin ang sinasabi. Sinasabi nito na talagang late na ako. Kaya naman nakatakbo na ako ngayon.

Tinanghali kasi ako ng gising. Nanood pa kasi kami ng movie kami kagabi. Mga maids kasama ko nanood. A Millionaire's First Love ang title ng movie. Matagal na daw iyang korean movie na iyan pero kagabi ko lang napanood.

Panay iyak namin. Sobrang maga na nga ng mga mata ko. Kasi naman sobrang nakakaiyak talaga ang kwento. Ngayon ngang naalala ko siya feeling ko maiiyak na naman ako. Tapos ang cute pa ng bida, si Hyun Bin.

Anyways kalimutan na nga muna sandali ang tungkol sa movie na iyon dahil talagang late na ako. Nagconcentrate na ako sa pagtakbo ko.

Kaya lang dahil sa sobrang pagmamadali ko ay hindi ko napansin na may paparating. Kaya ayun...

Booooogsssshhhhhh.

Naman. Bakit ba napakamalas ko? Ngayon pa talaga ako nakabangga eh malalate na ako. Mag-sosorry na sana ako sa kung sino mang nabangga ko ng bigla na lang akong sigawan nito.

"Are you blind? Or tanga ka lang talaga. Ang aga-aga ay nangbabangga ka."

 

 

 

Napatingin ako sa nabangga ko.

Isang babae.

Maganda siya.

Sexy din.

Pero mukhang maarte.

At sa isang tingin ko pa lang.

Alam ko na.

Alam ko nang masama ang ugali niya.

At ako naman mapanghusga. Don't judge a book by his cover nga di ba? Kalimutan nga muna iyang saying na iyan at mukhang mapapasabak ako sa laban.

When Suplado Boy Meets Palaban GirlWhere stories live. Discover now