Chapter 20 - Drama Club

8.8K 139 1
                                    

Naiwan akong nakatanga sa rooftop habang nakatingin lang sa pinto.

What just happened?

Napatingin na lang ako sa laman ng paper bag. Ito iyong damit na ipinasuot ko sa kanya ng dlhin ko siya sa bahay. She ask me to come here to return this to me. And I got so pissed off to know that.

But why?

Bakit nga ba ako nagagalit ng ganito?

Nagagalit ba ako dahil parang sinayang niya lang ang oras ko or dahil hindi nangyari ang inaasahan ko?

Eh ano nga ba ang inaasahan ko?

Ano bang iniisip ko?

I’m really stupid.

Diana’s POV

Pagdating ko sa room namin ay napansin ko na sobrang abala yata ng lahat. May mga hawak silang kung anu-anong leaflets at iba pang papel. Naupo na ako sa upuan ko at tinanong ang mga friends. Mukhang sila lang kasi ang hindi nakikisali sa kung ano mang pinagkakaguluhan ng buong klase

“morning guyz. Ano iyang pinagkakaabalahan ng mga classmates natin? At bakit parang wala na naman kayong pakialam?.”

 

“Oh hi friend kanina ka pa ba diyan?”

 

“Hindi kadarating ko lang din. Eh ano nga iyang ginagawa nila? Ang aga-aga ay hindi na sila magkamayaw diyan.”

 

“Wala lang iyan. Abala lang ang mga iyan sa pamimili ng club na sasalihan nila at nagprepare na rin ng application. Ngayon kasi ang araw para magparegister sa mga clubs.” si Nica

 

“Anong namimili ka diyan. Ang sabihin mo isang club lang naman ang gustong-gustong salihan ng mga iyan. Iyang iba ay second option na lang nila kung ma deny ang application nila.” Si Ina

 

“Anong club naman iyong gusto nilang salihan?”

 

“Hay naku Diana, hindi mo na dapat tinatanong iyan. Hindi pa ba halata kung kaninong club ang tinutukoy namin.”

 

Napalingu-lingo lang ako. Dapat ba alam ko? Pero bago lang ako kaya hindi ko talaga alam.

“Eh di ang club nila James!!!!!” halos sabay silang lahat.

“Bakit ano ba iyong club nila at maraming gustong mag-join?”

 

“Wala”

 

“Wala????”

 

“Ang ibig namin sabihin ay wala lang talaga ang club nila. Basta nag organize lang sila ng club dahil gusto nila. But since sila ang pinakamayaman dito sa school ay marami talagang gustong sumali. Kaya lang pag-kakaalam ko sobrang strict nila sa pagkuha ng members. Kaya ayan,  trying hard talaga ang marami makajoin lang.”

When Suplado Boy Meets Palaban GirlWhere stories live. Discover now