Chapter 7 - The Confrontation

9.9K 175 11
                                    

Hindi ako agad nakapag react. Ikaw ba naman ang bigla-bigla na lang hilahin tingnan ko lang kung makapag react pa kayo. Sobrang sakit pa ng pagkakahawak niya sa ‘kin. Kaya wala akong nagawa kun’di ang sumunod na lang sa kanya. Kung hindi ko binilisan ang paglalakad ko ay makakaladkad na talaga ako ng lalaking ‘to.

Sobrang bilis ng mga pangyayari, napansin ko na lang na pumasok kami sa isang room. Pagkatapos ay padabog niyang isinara ang pinto. Parang mabibingi pa ata ako sa sobrang lakas ng kalabog.

Hindi kaya nasira ang pinto sa ginawa niya.

At nagpanahon pa talaga akong isipin ang pinto. Bahala nga ‘yang pinto. Ang dapat kung alalahanin ay kung anong gagawin sa ‘kin ng mokong na ‘to. Ini lock pa naman niya ang pinto.

Baka rape-in ako nito. Diyos ko po! Pero hindi naman siya mukhang may pagnanasa sa ‘kin. Mas mukhang papatayin ako nito. Dapat na ba akong magrelax at hindi niya ako raeraepin? Papatayin lang.

"Pwede ba bitiwan mo ‘ko" Sa wakas nakapagsalita rin ako sabay piglas sa pagkakahawak niya.

Tiningnan ko ang braso ko. Medyo napangiwi ako. Masakit kasi talaga siya gawa ng sobrang higpit ng pagkakahawak niya kanina. Ano bang klaseng kamay meron ang taong ‘to?

Huminga ako ng malalim. Hinugot ang lahat ng tapang na meron ako sa aking kaibuturan. Kahit talagang natatakot ako sa kanya ngayon ay hindi ko naman pwedeng ipakita’yun. Baka pag nagkataon ay mas lalo akong kainin nito ng buhay. Nandoon pa rin iyong nakakatakot niyang tingin pero hindi pwedeng magpasindak.

"Ano bang problema mo ha? Bakit bigla ka na lang nanghihila?"

"Sabihin mo nga sa akin, anong ginawa mo?"

Nagsalubong kilay ko. Hindi ko kasi maintindihan ang ibig sabihin ng taong ‘to. Tinatanong niya kung anong ginawa ko? Ano nga ba ang ginawa ko at sobrang nangagalaiti sa galit itong ungas nato sa akin?

"Are you gonna answer or not?" Aba’t talagang sumusobra na ‘tong conceited na ‘to ah. Sigawan ba naman ako.

"Pwede ba huwag mo kong sigawan. Hindi ko alam kung anong sinasabi mo. Bakit hindi mo linawin ang tanong mo nang masagot ko. Hindi ‘yung basta-basta ka na lang nanghihila at naninigaw d’yan."

"Pwede ba, huwag kang umarte. Alam kong alam mo kung anong sinasabi ko. Imposible namang nakalimutan mo na agad ang ginawa mo para hindi ka ma-expel sa school."

Iyon pala. Iyon pala talaga ang dahilan at galit na galit ‘to. Ang tanga ko rin ano, hindi ko naisip na’yun ang itinatanong niya. Kasi naman no, wala naman talaga akong ginawa. Si Edrian ang nakiusap ‘dun kay Principal Reyes at pumayag ‘to.

Isa pa, napaka-unreasonable naman ata ng taong ‘to. Dahil lang sa hindi ako na-expel ay nagagalit na siya. At saka ano bang pakialam niya sa ginawa ko? Kung ano man ang ginawa ng kapatid ko I'm sure hindi naman apektado ang ungas nato para magalit siya ng ganyan.

When Suplado Boy Meets Palaban GirlWhere stories live. Discover now