Chapter 40 - Tangs

8.4K 143 6
                                    

Dinala ako ni Annika sa recreation room. Iginiya agad niya ako papasok sa banyo. Sabi ko nga, halos buong bahay na to kaya kumpleto talaga. Naligo na ako. Sobrang dumi ko talaga. Nagkulay maroon pa yata ang tubig after dumaan sa katawan ko. Daig ko pa yata ang nagpagulong-gulong sa putikan.

Mga isang oras siguro akong nagbabad sa shower bago ako nakuntento. Inabot ko ang towel at dinry ang sarili ko. Tapos ay isinuot ko na iyong extra uniform ni Annika. Kung titingnan ko ang uniform mukhang bago pa siya at hindi pa talaga siya nasusuot. Bahala na nga.

Tiningnan ko muna sandali ang sarili ko sa salamin. In fairness kasyang-kasya siya sa akin. Parang akin talaga.

Lumabas na rin ako ng banyo. Akala ko si Annika ang makikita kung naghihintay sa akin. Pero nagkamali ako. Tumayo agad siya sa kinauupuan niya ng makita ako. Lumapit siya sa akin. Nang nasa mismong harapan ko na siya akala ko titigil na siya pero lalo pa siyang lumapit sa akin. Napaatras naman ako ng konti.

Pero parang nananadya yata siya at lapit pa rin siya ng lapit. Kaya ako atras naman ng atras hanggang sa wala na talaga akong maatrasan. Nakasandal na ako sa pader. Nanlaki ang mga mata ko ng inilalapit niya ang mukha niya sa akin. Sa sobrang takot ko ay itinulak ko siya.

Nagsmirk lang siya.

Dugdug. Dugdug. Dugdug.

Eto na naman ang puso ko. Nawawala na naman sa rhythm.

"Tsssk. Inaamoy lang naman kita."

 

"Eh bakit ka naman nang-aamoy diyan? Aso ka ba?"

 

"Ang gwapo ko naman para maging aso no. Gusto ko lang malaman kung nagawa bang tanggalin ng sabon iyong amoy mo kanina. Kanina na sobrang dumi at baho mo ay yumakap ka pa sa akin, tapos ngayon ayaw mo na palapit."

 

Namula naman ako ng maalala ang nangyari kanina. Tapos iyong puso ko mas bumilos pa ang pagtibok. Hindi ko rin alam kung bakit bigla ko na lang siya niyakap kanina. Tapos umiyak pa ako. Eh noong binabato nga ako ng kung anu-ano ay hindi ako naiyak, pero ng makita ko siya ewan ko ba. Bigla na lang akong nanghina. Iyong bang pakiramdam na hindi ko na kailangan maging matapang. Iyong pwede ko nang ilabas ang nararamdaman ko. Parang narelieve ako ng makita ko siya.

Ngayon ko lang napansin na nakapagbihis na rin pala siya ng ibang uniform. Malamang, kasi nga niyakap ko siya kanina kaya nadumihan din siya. Eh ang arte pa naman niyan.

"Eh bakit kailangan mo pang amuyin pwede mo namang itanong na lang sa akin ah."

 

 

 

 

James' POV

"Eh bakit kailangan mo pang amuyin pwede mo namang itanong na lang sa akin ah."

Kahit kailan mukhang hindi ako mananalo sa kanya.

When Suplado Boy Meets Palaban GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon