50 - Dirty Little Secret

267 15 2
                                    


Regina finally came home to the Philippines. Gabi na ng January 4 siya dumating at hindi niya sinabi kay Diane ang kanyang arrival kaya walang alam ang kanyang pinsan na nakauwi na siya. Excited na siyang makita ito. She felt guilty of being away from her during the holidays. Regina knows it was a tough year for her cousin. Kahit medyo suplada at laging namimilosopo si Diane sa kanya ay talagang ito pa rin ang pinakapaborito niyang pinsan. And her bestfriend for life.

Maagang nagsimba si Regina kinabukasan kahit pa nga medyo kulang siya sa tulog dahil sa long hours of flight. From the church, dumiretso na siya papunta sa bahay ng bestfriend niya. Kahit sa iisang compound sila nakatira, their houses would take about 10-minute-drive away from each other. Regina still lives with her parents. Noon pa ma'y hindi siya pinapayagang manirahan sa kanyang sariling bahay. Gusto ng parents niya na magkasama pa rin sila sa iisang bubong. Ang kuya Romie niya ay bumili lamang ng sariling bahay ng ito'y nagkaroon na ng sariling pamilya. Pero malapit lang din sa kanilang bahay kaya it almost doesn't count.

Pagdating ni Regina sa bahay ni Diane ay masayang binati at kinamusta siya ng mga nakasalubong na kasambahay at pati na mga guards. Halos isang buwan din kasi siya doon sa Lyon, France. Nadatnan niya ang kanyang pinsan sa living room, hinahanda ang sarili dahil magsisimba ito. Her cousin is just as glad to her again but they couldn't chitchat for now as Diane is still going to attend a mass.

"Tamang-tama pala ang pagdating ko dito, sige sabay na tayo." Pagsisinungaling ni Regina kay Diane. Hindi niya sinabi sa pinsan na galing na siya nagsimba. Mas importante sa kanya na magsasama silang dalawa.

Hindi ma-explain ni Regina ngunit masayang-masaya siyang makasama ulit ang pinsan niya slash bestfriend. During the peace be with you na part, hindi pa siya nakontento sa naksanayang pagbebeso, talagang niyakap niya ng mahigpit si Diane. Diane gets weirded out with her cousin's unusual clinginess today. She also noticed the ring on Regina's finger when they held hands during Our Father. Iba ang singsing na iyon sa engagement ring niya na blue diamond. Naisip ni Diane na mamaya niya nalang tatanungin ang pinsan pag-uwi sa bahay. Ngunit may idea na siya kung ano ang magiging sagot ni Regina. She just needs to confirm it.

*

*

*

*

*

"You seem so different." Diane says to Regina while they're chilling out in the living room after they got back from the church. "How's René by the way, ba't hindi siya sumama sayo dito sa Pinas?"

"May inaasikaso pa kasi siya. Pero pupunta yun dito sa March pa. Hay.. Ganito pala yung continental love ano?" Regina says referring to how Diane called long distance relationship as continental love. This was when she and Oliver was still together. Then realizing it's not a good memory, nag-change topic nalang si Regina. "Ikaw kumusta ka? I know we we had constant talk over the phone pero gusto kong malaman kung ano ang ganap mo. You seemed to be different too."

"Don't change the subject, Regina. This is all about you." Kalmang sabi ni Diane. "What happened in France?"

Napalagok ng laway si Regina. Nagdadalawang-isip kasi siya if it is the right time to tell her. Nagi-guilty pa rin kasi siya kasi parang sa tuwing may happy moments na nagaganap sa kanya, kabaliktaran naman ang nangyayari sa pinsan niya. Kagaya nalang noong na-engage siya kay René, si Diane naman divorce kay Oliver. Then she goes to France with her fiance to spend the holidays, habang si Diane sad and alone because of the recent finalization of her divorce. Though technically hindi siya naging alone pero hindi niya kasama ang anak at supposedly husband niya.

"Regina?"

Snapping out of her thoughts Regina replies, "Ano kasi eh.."

"It's okay Regina."

Kahati (GMA Magkaagaw Fanfic)Where stories live. Discover now