90 - Maybe next lifetime..

340 12 23
                                    

"Did you gain weight over the vacation that you had with Alexander, o sira na ang mga mata ko?"

"Sira ang mga mata mo gaya ng ulo mo." Sagot ni Diane at napatingin nang masama si Rej sa kanya. "Biro lang. Ikaw nga, lagi mo akong binibiro tapos ikaw itong hindi mabiro." Depensa ni Diane nang matalim pa rin ang tingin ng pinsan sa kanya na parang dinibdib talaga nito ang kanyang komento.

"Minsan ka lang kasi nagbibiro at napaka-harsh pa. Anyway.." Nagpatuloy na lang si Regina sa pagkain ng salad. Tapos na siyang kumain kanina sa bahay nila pero sinabayan niya lang si Diane na mag-almusal dahil maagang umalis si Sander pa-Bulacan. Dahil sa itinanong ni Regina kanina tungkol sa kung tumaba ba siya o paningin niya lang yun, nagdadalawang-isip na tuloy si Diane kung kakain pa ba siya o hindi na. Gusto pa sana niyang dagdagan ang nasa kanyang plato dahil ganado siyang kumain lately, pero hindi na lang. Masyadong halata na ba ang tiyan niyang lumalaki?

Diane, you're overthinking. You're not pregnant! Sabi ng kanyang isip at uminom na lang siya ng maraming tubig para mabusog na.

After having breakfast and cleaning up, they immediately go to Diane's doctor appointment. Si Doc Kate, isa sa kanilang naging kaibigan na rin na doktor dahil isa ito sa kanilang family doctors na matagal nang naglilingkod sa kanila. Siya ay anak rin ng doktor na siya namang personal doctor ng yumaong ama ni Diane, kaya ganun na lamang ang kanilang malapit na ugnayan sa mga Martinez. Now in her clinic.. Matapos ma-check ang health stats ni Diane, parang wala namang nakuhang senyales na may anumang nakababahalang sakit si Diane. Ayon kay Doc Kate, hindi naman mataas ang kanyang sugar levels at ang blood pressure.

Biglang napaisip si Regina. Hindi highblood? Naku napakamaldita niyan, hindi pa nga highblood. Paano pa kaya pag magka-highblood..

"Anong sabi mo d'yan?" - Diane.

Hindi napansin ni Regina na nasabi niya pala yun nang malakas. "Hmm wala!" Sabi niya sabay peace sign. "Sige Doc Kate, please continue."

The doctor confidently confirms that Diane has "no serious ailments to worry about". Yun ang exact words na sinabi ni Kate. Napanatag naman ang loob ni Diane.

"Pero doc.." Insert Regina. "Base kasi sa mga signs na na-experience niya nitong mga nakaraang linggo.." She hesitates to continue but she did anyway. "Akala naming nagdadalang-tao siya. She said she had similar symptoms when she had her son Daniver. Right, Diane?"

"Ganun ba?" Curious na tugon ni Kate. "Nakapag-pregnancy test ka ba, miss D? And what signs and symptoms have you experienced lately?" Tanong niya kay Diane.

Sinalaysay naman ni Diane ang kanyang mga naranasan noong mga nakaraang linggo.. yung pagkahilo, morning sickness, pagsusuka, pag-iiba ng appetite sa pagkain, pag-iiba ng moods. Although yung pinakahuli, medyo dati naman siyang sobrang moody so parang hindi na rin yun counted..

Napatango-tango ang doktor sa kanyang mga sinabi. Ayaw rin naman ni Doc Kate na magpakasigurado sa kanyang mga hinihinala. Pero nagpahayag pa rin siya ng kanyang opinyon na posibleng buntis nga siya. Dumagdag naman si Regina na baka nag-i-ilusyon lang ang katawan at isip ni Diane na buntis siya. Sumang-ayon naman si Kate na posibleng ganon rin. May disorder kasi na kung tawagin ay "pseudocyesis". It is a rare disorder that can be experienced by women and sometimes even among men. Ang babaeng merong ganitong kondisyon ay nakakaranas ng mga sintomas ng isang totoong buntis at nagpa-positive pa nga sa pregnancy tests. Sa ultrasound na lamang malalaman kung totoo ba talaga ang pregnancy kung may makikitang fetus sa loob ng mattress.

Some men also experience a related phenomenon known as couvade, or sympathetic pregnancy. They will develop many of the same symptoms as their pregnant partners, including weight gain, nausea, and backache.

Kahati (GMA Magkaagaw Fanfic)Where stories live. Discover now