57 - Dark secret REVEALED

235 11 3
                                    


Two weeks hindi kinausap ni Regina si Diane because of that incident. Sa opisina ay lagi niyang iniiwasan si Diane. Hindi na rin siya pumupunta sa bahay nito. Diane didn't want to nag her cousin so she just gave her some space. Naiintindihan naman niya kung bakit nagtampo si Regina sa kanya pero nagpaliwanag na siya kung bakit niya nagawa yun ngunit galit pa rin ito sa kanya. One Sunday after mag-isang nagsimba si Diane, naisipan niyang pumunta sa bahay ni Regina. Yes, kahit demonyo si Diane, nagsisimba yan almost every Sunday.

"Paano mo nakakaya na hindi ako kinakausap nang ganito katagal kahit lagi naman tayong nagkikita sa Martinez?" Tanong ni Diane sa pinsan niya nang nag-usap na sila.

"Alam mo, Diane," Regina starts in a taray way. "Mas naging mapayapa ang buhay ko nang wala ka."

Diane gulped at what she had heard. Tama ba ang narinig niya? Her best friend/closest cousin, is throwing her out just because of whatever reason?

"Nabawasan ang mga problema ko nang hindi na kita pinaki-alaman. Mas naging magaan ang isip ko nang wala ka."

"A-are you saying.. Pabigat lang ako sa buhay mo?"

"Oo. Puro gulo lang at sakit sa ulo ang binibigay mo sa 'kin." Regina says, hurting Diane's feelings even more. "Pero mas gusto ko.. mas gusto pa rin yung ginugulo mo yung buhay kooo."

Huh?

"Kahit nakakainis ka minsan, gusto ko pa rin na iniinis mo 'ko." Dagdag pa ni Regina. "Ewan ko kung naiintindihan mo ako Diane, ah basta ganon."

"Ibig sabihin ba nito, papatwarin mo na ako?"

"Bakit naman hindi?" Sabi ni Regina at nagyakapan agad sila ng mahigpit.

"Alam kong hindi mo ako matiis." Sabi ni Diane habang abot-tenga ang ngiti.

"Abusada ka. Palibhasa alam mong mahal kita eh." - Rej

"Corny mo talaga." Diane chuckles after they hugged.

"Oh, anong sinabi ko sayo before?" Tanong ni Regina. "Tama ako, diba?"

**Short flashback**

"Wala akong planong pasukin yang mga maruruming bagay na iniisip mo, Regina. That is so unethical." Sabi ni Diane. "And besides, sa tv lang yan nangyayari."

"Hayy, wag kang magsalita nang tapos, Diane. Baka kakainin mo rin yang mga sinasabi mo."

**End of flashback**

"Oo na sige na ikaw na ang tama. Basta bati na tayo ha."

*

*

*

*

*

Monday na ulit but the date is March 16. This was when ECQ or Enhanced Community Quarantine started in the Philippines. Masyadong pabigla-bigla ang pag-declare nito. Establishments were closed, travelling was not allowed, accommodation business and tourist destinations refused to accept guests and tourists. Which also means, lahat ng empleyado ng Martinez ay pansamantalang nawalan ng trabaho kung kaya'y nagsi-uwian din sila sa kanya-kanyang probinsiya. Ngunit ang ilan sa kanila ay hindi na nakalabas ng Maynila dahil sa strict borders. Hanggang 1 month raw ang ECQ ngunit pagdating ng April 16 ay inextend na naman ito dahil parami nang parami ang COVID cases sa bansa. Hanggang sa na-extend nang na-extend na talaga ito.

Kahati (GMA Magkaagaw Fanfic)Where stories live. Discover now