41 - The 'flirtationship' between Diane and Alex

204 15 0
                                    

"HUY!!"

"Regina!" Diane screams back nang biglang sumulpot ang pinsan niya sa kanyang office. "Diba't sinabihan kitang wag mo akong gulatin ng ganyan?!"

"Ang seryoso mo kasing nagmumuni-muni diyan! Para bang ang lalim ng iniisip mo. Hindi mo nga napansin ang pagpasok ko dito sa opisina mo.. Asan si assistant mo? Lunes na lunes at absent or late na naman ba siya?"

"Running errands." Plain na sagot ni Diane.

Medyo natahimik lang silang dalawa sandali. Hanggang nagsalita si Regina ulit.

"Diane, last week pa ang All Souls Day pero parang hanggang ngayon undas pa rin sa mukha mo. Pinagluluksa mo pa rin ba ang hiwalayan n'yo ni Claude?"

"Never ko siyang pinagluksaan, Regina. To be honest mas guminhawa ang buhay ko nang wala na siya."

"Eh yan ba ang mukha ng mas guminhawa?" Regina asks rhetorically. "Ano ba kasing nangyari sa Cebu?"

"What happened in Cebu, stays in Cebu."

"Lalo mo lang akong pinapa-curious! Alam ko Diane, nararamdaman ko na meron kang hindi sinasabi sa'kin. Hindi naman siguro pagseselosan ni Claude yang assistant mo kung walang matibay na rason. May nangyari ba sa inyo ni-"

"It was just a kiss!"

"What?!" Regina freaks out. "Nag-kiss kayo?!"

"Oo na! Pero yun lang! Wala ng ibang nangyari."

"Wait, ang tinutukoy mo ba ay yung time na nag-make-out kayo sa bar?"

"We're talking about what happened in Cebu diba?" Diane says impatiently.

"So kailan mo planong sabihin ito sa'kin?"

"Ito na nga diba, sinasabi ko na sayo!"

"Eh kung hindi kita kinulit hindi mo rin sinabi!" Regina fights back.

"Like I said we just kissed. Nothing more, nothing less. Kaya nga hindi ko na sana sasabihin sayo pero ang kulit mo eh at ayokong ma-stuck sa utak mo ang idea na may nangyari sa amin. Wala lang ang halik na yun. Not a big deal."

"Of course it is! Considerable pa yung una kasi nasa club tayo nun. At ngayon, naulit pa? Aminin mo nga sa'kin Diane, is there a flirtationship going on between you and Alexander Castante, that I should know about?"

"Wala nga! Please, he is my assistant for fuck's sake!"

"Assistant lang talaga?"

"We are just friends."

"Siguraduhin mo lang na hanggang diyan lang talaga yan ha. Baka ang harmless friendship na yan mapunta sa.."

"Ano ka ba! Walang namamagitan sa amin at hindi mangyayari yun!"

"Kalma lang! Defensive masyado."

Diane sighs deeply. "Pwede ba Regina, may iba akong iniisip. Wag mo ng dagdagan ang mga pinoproblema ko."

"Ano na naman ba kasing pinoproblema mo, share it."

Diane sighs. Sighing has become her habit, really. "Pakiramdam ko parang may mali, Regina. Masama yung kutob ko. Parang may mangyayaring masama."

"Masamang ano? Malapit na ba ang katapusan ng mundo?"

Diane rolls her eyes. This too, has become her habit. "Something bad is coming to happen. I just can't figure out yet what could it be or at least guess it. You know my gut feel is mostly right."

"Mostly right, but not really right all the time." Regina nods before asking, "And.. Natatakot ka ba?"

Diane sighs again looking at her cousin. "Nag-usap kami ni Daniver. Ang sabi niya, kung kailangan ko ng kausap, pwede ko raw siyang tawagan anytime kahit gabi pa dun. Naaawa ako sa anak ko. Bata pa siya ngunit mature nang mag-isip. Hindi ba't dapat ako ang nagpapaalala nun sa kanya? He is so sweet and warm to me as always. I don't deserve it."

Kahati (GMA Magkaagaw Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon