14 - The new ruler

112 17 2
                                    


"Wow. Ngayon ko pa ito nabasa ng buong-buo, ang librong Martinez Legacy." Sambit ni Regina habang hawak ang isang aklat.

Ang nasabing aklat ay meron ng limang edition. Sinusulat sa mga ito ang family tree, background, at lahat-lahat patungkol sa kanilang angkan at paano nabuo ang kanilang "empire". Nagsimula ang unang libro sa great-great-great grandfather nila ni Diane at Regina, ang original Romualdo Martinez Sr. Kada henerasyon ay may limilimbag na libro. Sina Regina at Diane ang pang-anim na generation ng kanilang ancestry.

"Hmm, I'm not surprised. Puro ka kasi tv." Biro ni Diane habang may mga inasikasong papeles sa kanyang mesa.

Nasa CEO's office sila ngayon. Malapit ng humalili si Diane sa posisyon ng kanyang ama. Although understood na talaga ng lahat na siya na ang CEO, sa susunod na linggo na, maglulunsad sila ng event para sa opisyal na pag-upo ni Diane sa pwesto bilang bagong CEO ng Martinez Co.

Imbes na tumulong na magligpit ng mga gamit ng yumaong CEO, mas naabala pa si Regina sa pagbabasa ng kung ano-ano. I-co-customize na kasi ni Diane ang opisina ng ama dahil siya na ang gagamit nito.

"Record-holder ka na, Diane." Patuloy na pagbabasa ni Regina. "Ikaw ang kauna-unahang female CEO ng Martinez Company, though our great-great grandmother Celestina Martinez-Santiago ruled in the 2nd generation pero ibang business pa yun, house and rooms for rent pa lang. So, parang small-time accommodation business pa lang yung panahon na yun."

Nakinig lang si Diane habang patuloy siya sa kanyang mga ginagawa.

"Ikaw rin ang unang magiging ruler na hindi nagsisimula sa 'R' ang pangalan after ginawa ang so-called "rule" sa 3rd generation na dapat R ang first letter ng mga names ng magiging anak at apo ng mga Martinez. Although, una ng na-violate ang rule na yan dahil may Celestino Martinez Jr. at Diana Rose Martinez sa 4th generation."

"Yes. Pero si Celestino Jr. ay nagpolitika gaya ng ama niya, tapos si Diana Rose na kaisa-isang kapatid ng lolo natin na si Romualdo IV ay maagang namatay. Kaya 'yung name ko ay inspired sa name niya para sa kanyang ala-ala." Dugtong ni Diane.

"Correct! May isa ka pang record," Sabi ni Regina. "You're 35 now, so ikaw ang magiging pinakabatang mamumuno ng family business, surpassing your dad who was 39 when he rosed to the throne. Wow, taray ha!"

"Seriously, Regina. It's a lot of pressure to me."

"Ba't ka naman ma-pre-pressure, marami naman tayong magtutulong-tulong. I-ga-guide mo lang kami. Hindi kagaya sa 3rd and 4th generation na nagkaroon ng conflict dahil pumasok ang iba sa mundo ng politika."

"I know right. Kaya nahati ang Martinez sa dalawang pangkat dahil ayaw talaga sana ng ancestors natin na ma-involve ang family natin sa politics. They think it's gonna create conflict with the business. Pero nag-start ito kay Julio Martinez ng 2nd  generation. Siya talaga ang pinaka-unang pumasok sa politika ng siya'y tumakbo bilang alkalde. Syempre dahil kilala, nanalo. Hanggang ang mga decendants niya sumunod sa yapak niya. At doon nagsimula ang conflict. Kaya kailangan nilang mamili noon, sa business side ba sila o sa politics side. Para sa ibang mga tao, mas maganda daw 'yung pagsabayin ang dalawa. But to our ancestors, they believed na parang tubig at langis lang yang business at politika. Kaya dapat lang talagang mamili ng isa." Mahabang paliwanag ni Diane.

"Kaya rin pala may mga kaanak rin tayong ayaw pumili sa dalawa at mas pinili na lamang na talikuran ang yaman at mamuhay ng ordinaryo. Kagaya ni tito Romulo. Second degree tita natin na si Rosalinda, nangibang bansa na para umiwas sa gulo. And now we don't hear about our other relatives na in the other side at sa mga na-alienated." Regina sighs and continues, "Napakahabang kwento, ano? Akalain mo nagsimula ang lahat sa simpleng buying and selling of properties ni Romualdo the very first. Hanggang naging small-time accommodation business na kalaunan napalago at naging hotel na. Tapos ngayon big-time hotelier na tayo. Five-star hotel."

"And that's why it's a very big pressure on my part. This family business has been through many generations. Ano kaya ang ma-i-aambag ko sa legacy natin? We know in this world, women is believed to be inferior to men." Diane raises an eyebrow.

Regina closes the book and raises an eyebrow back to her cousin.

"Then, this time, you will prove the world wrong."

Nasa kwarto si Diane, abala sa paghahanda ng kanyang mga kakailanganin sa kanyang speech. Bukas na ang big event, kailangang maging perfect ang lahat. Biglang may kumatok sa pinto.

Pumasok si Dina dahil hindi naman naka-lock ang kwarto ng anak, ibig-sabihin she's welcome to enter.

"Bakit gising ka pa? Dapat nagpapahinga ka na."

"May tinapos lang ako, mama."

"Are you okay?"

"I just want everything to be perfect, you know? Kinakabahan ako, mama. Natatakot ako."

"Bakit ka naman kinakabahan at natatakot? I told you a million times, you are ready to take over the throne. Alam mo, I'm so excited for next week."

"Dahil babalik ka na sa Amerika." Plain na hula ni Diane.

"Hindi. Because it's gonna be your first week of being the new CEO. Aren't you excited? Mapapatupad mo na ang mga plano mo para sa kompanya."

"But next week also reminds me that I'm going to be alone again. Aalis ka na." Diane sighs. "Anyway, napag-usapan na natin 'to at hindi ko na kayo pipigilan. Just promise me one thing though."

"Yes, hija, ano yun?" Willing na willing na sagot ni Dina.

"Promise me, you're not only going to take care of my husband and our son, but most especially you take care of yourself. I can't afford to lose you, mama. Just please take care of yourself."

"Wag kang mag-alala Diane. Hahanap ako ng mag-aalaga sa'kin." Biro ng ina.

Tumawa rin si Diane.

"And besides, it's 2010. Meron ng Facebook, Viber, Skype. Pwedeng-pwede na tayong magkamustahan anytime. Hindi kagaya noong panahon namin ng papa mo."

"But seriously mama, mag-ingat ka. Kahit hindi man tayo magkasama, gusto kong mabuhay ka pa nang matagal."

Niyakap ni Dina ang kanyang anak.

"I love you so much, hija."

"Love you, too."

Kahati (GMA Magkaagaw Fanfic)Kde žijí příběhy. Začni objevovat