71 - "You're no longer my assistant."

220 12 5
                                    


"Bakit hindi mo sinabi sa akin na may ganito kang plano?"

"Love, mas maganda nga yun diba na bumalik na ako? Dating gawi ko naman na maging assistant ni miss D. At tsaka diba sinabi niya kapag na-sort out na natin ito, babalik na ako sa kanya bilang assistant niya, tapos ikaw bibigyan ka ng ibang position. Oh, edi magkakasama na tayo." Sabi ni Vanessa pero hindi pa rin kumalma si Sander. "Hindi naman nating kailangang mag-alala kay Kylie dahil nandyan naman si nanay at Aly."

Nakapag-usap lang si Sander at Vanessa tungkol sa biglaang pagsulpot ng huli sa office kanina pagdating na nila sa kanilang bahay. Sa bahay na binili ni miss boss para sa kanila. Ngunit nauwi sa away ang usapan dahil ayon kay Sander hindi niya naiintindihan kung bakit may ganung desisyon si Vanessa na hindi man lang pinaalam sa kanya. Hangga't sa sinabi ni Sander na yan ang hindi niya nagugustuhang ugali ni Vanessa dati pa na padalos-dalos at tila hindi nag-iisip.

"So ikaw pa ang may ganang magalit sa akin?!" Vanessa says to Sander with a raised voice. "Kung hindi dahil sayo hindi ko naman ito gagawin!"

"Teka, ba't ako ang sinisisi mo? Ibabato mo na ngayon sa akin ang ginawa mong hindi mo naman pinag-isipan!?" Napataas rin ang boses ni Sander.

"Ginawa ko ito kasi para bakuran ka! Para mahuli kita sa akto na nagtataksil ka! Para makalbo ko yang babae mo!" Yan ang mga ibinato ni Vanessa sa kanya at umagos na ang kanyang mga luha.

"A-ano bang pinagsasabi mo?" Ang tanging nasabi ni Sander. May nalalaman na ba siya sa mga kagagawan ko?

Ngunit biglang nakaramdam ng pagsisisi si Vanessa sa mga nasabi niya. Baka tuluyang magalit at lumayo ang loob ni Sander sa kanya. Hindi niya matatanggap kung lalabas man ang katotohanan nga nambababae nga ito pero mas hindi niya kakayanin kung mawawala si Sander sa kanya.

"Love sorry.." Si Vanessa pa ang humingi ng tawad. "Nadala lang ako sa galit ko. Alam kong mali na pagbintangan ka kasi wala akong ebidensya. Ang ginawang basehan ko lang ay ang panlalamig mo sa'kin.. Ayoko na nagkakaganyan ka. Pakiramdam ko kasi.. nagbago ka na."

Naiiyak na naman si Vanessa kasi pakiramdam niya kasalanan niya ang lahat kung bakit humantong sa ganun ang sitwasyon. Sarili niya ang kanyang sinisisi palagi. Iyak siya nang iyak at paulit-ulit na humihingi ng tawad kay Sander hangga't sa nagyakapan sila at tumahan na siya. Nakonsensya naman si Sander dahil totoo naman talaga na nagtataksil siya. Naawa rin siya kay Vanessa. Hindi niya ibig saktan ang fiance niya. Ang ina ng anak niya. Ang pinangakuan niya pakakasalan niya at mamahalin habang buhay. Ngunit naisip rin niya..

Paano si Diane? Napamahal na rin siya sa'kin. Inamin ko na sa kanya ang nararamdaman ko at masasaktan siya kung bigla ko nalang rin siyang iniwan. Hindi ko kayang masaktan pa si Diane pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan niya. Mahal ko rin si Vanessa pero kay Diane na ako mas masaya..

*

*

*

*

*

Diane hears three knocks on her door. Nasira yung ringer lately at hindi pa napaayos. Sabi niya come in habang may ginagawa siya sa kanyang laptop at pumasok na ang panauhin sa kanyang opisina.

"Oh, Alex."

It's been a week since pinag-decide ni Diane si Vanessa at Sander kung sino ang magpapatuloy sa pagiging assistant niya. Pero syempre palihim niyang dinadasal na sana makapagdesisyon ang magkasintahan na si Sander ang mananatili sa posisyon. Pwede naman sanang siya na ang mag-decide kung sino sa dalawa ang pipiliin niya, after all she's the boss. Pero baka magduda na si Vanessa kung sasabihin niyang si Sander ang mas gusto niyang maging secretary permanently.

Kahati (GMA Magkaagaw Fanfic)Where stories live. Discover now