19 - Challenge Accepted

116 16 3
                                    

Unang task pa lang ay napagalitan na si Vanessa ng boss. Nang isinauli na niya kasi ang forms na pinapirmahan, kulang ito ng isang signature. Ang rason ni Vanessa, pinuntahan na niya ang naturang head pero sinabihan siyang mamaya na niya pirmahan kapag nauna na ang ibang departments. Dalawang beses siyang pabalik-balik hangga't sa nakaligtaan nalang ito. Pwede pa naman sana yun ipagpabukas ngunit trip niyang bigyan ng challenge ang assistant niya at para malaman niya kung hanggang saan siya nito kayang tiisin. Hindi niya maipapaliwanag na kahit sinusubukan niyang i-treat si Vanessa like the rest of the employees, she doesn't like her guts. She has something that makes her dislike her. Sa inis niya, tinu-torture niya ito sa trabaho ngunit parang nagsusumikap pa rin ito bilang assistant niya.

Patuloy niya itong binibigyan ng mga maraming gawain sa isang araw ngunit at the end of the day, nakangiti pa rin itong nagsisilbi sa kanya. Lalong naiirita na si Diane dahil parang unti-unti nang nasasanay si Vanessa sa pagsusungit-sungitan niya. Nakaalis na patungong France ang pinsan niyang si Regina kaya hanggang facetime nalang niya ito nakakamusta. Ngunit dahil rin sa magkaibang timezones, bihira lang sila nagkakausap. Syempre nababanggit din nila ang tungkol sa assistant niya na pansamantalang nagfu-"fulfill" habang wala si Regina na gagawa ng running errands niya. Kung ano-ano na naman ang pinagsasabi ni Regina kay Diane tungkol kay Vanessa. Na baka anak ito ng pinaka-hate niyang tao o kaya anak pala ng competitor ng kompanya at nagpapanggap lang na simpleng fresh graduate para lang makapag-spy sa mga Martinez.

"Ewan ko sayo, Regina. Puro ka talaga kalokohan." Tugon ni Diane nito.

Nagpatuloy pa rin ang cold treatment ni Diane sa secretary niya. Ngunit habang patuloy niya itong tinataboy ay para bang lalo lang itong lumalapit sa kanya. Hindi naman niya ito basta-bastang ma-fire dahil magsasayang lang siya ng panahon para maghanap na naman ng panibagong secretary. Na-habit na ni Diane ang pagpapahirap kay Vanessa ngunit tila na-iimmune naman ito sa mga pagpapahirap niya. Hanggang isang araw, may naisip na bagong paandar si Diane para sa kanya.

"Miss D, nagawa ko na po lahat ng tasks na pinagawa nyo today. Na-isubmit ko na rin sa HR yung reports. Napapirmahan ko na yung isang form doon sa kabilang department, at na sort ko na rin yung binigay nyo sa'king papeles. Kompleto na po yun bawat folder."

Six na ng hapon, ibig-sabihin uwian na. Ngunit naghintay si Vanessa sa kanyang amo dahil baka may huling bilin pa ito para sa gawain niya para bukas.

"Okay." Tanging sagot nito matapos niyang pinakita lahat nang na-accomplish sa araw na yun.

Never niyang narinig na pinuri siya ng kanyang boss na na-aaccomplish niya lahat nang pinaggagawa nito. Pero okay lang sa kanya. Ang mas importante ay hindi siya napapagalitan.

Unti-unti na niyang nakikilala at naiintindihan ang ugali ng kanyang boss. Hindi siya umuuwi kapag hindi pa ito umuuwi. Ngunit mali siya sa mga oras na yun dahil akala niyang uuwi na sila, pero may ipapagawa pa pala ito sa kanya.

"May ipapagawa ako sayo."

"Para bukas po?"

"Nope. Gagawin mo ito ngayon. Para bukas pagdating mo dito, isusubmit mo na sa'kin. Gawan mo ng review ang mga reports na ito.."

Kinuha ni Diane mula sa drawer niya ang patong-patong na clearbooks na makikitang, makakapal ang papers/reports na laman.

"At i-revise mo rin ang mga ito.." Dinagdagan pa niya ng more stacks of reports na mula sa iba pang drawer. "Be sure to submit all of these tomorrow. Best kung masubmit mo na sa umaga. Dahil may ibang gagawin ka pa bukas kaya I don't think it's ideal for you na bukas mo pa i-wowork ang mga 'to."

"L-lahat nito, Miss? Bukas.. agad?"

"Mm-hmm." Tumango si Diane.

"P-pero Miss.. I don't think kasali pa ito sa trabaho ko. Dati oo, pero ngayong assistant n'yo na po ako.. Sina Angel po ang gumagawa nito. At tsaka ang dami po nito para matapos agad bukas."

Kahati (GMA Magkaagaw Fanfic)Where stories live. Discover now