FINALE

443 14 41
                                    

FROM THE PREVIOUS CHAPTER..

"Diane yung baby natin!" Nagpanic na si Sander dahil labis nang nagdurugo si Diane kaya agad niyang kinarga ito at isinakay sa sasakyan para isugod sa pinakamalapit na ospital. Masyadong okupado ang kanyang isip dahil nag-aalala siya kay Diane at sa baby at sarili niya ang kanyang sinisisi. Kung may mangyayaring masama kay Diane o sa bata, hindi mapapatawad ni Sander ang kanyang sarili.

"I'm sorry Diane.. I'm sorry kasi huli na nang dumating ako. Kasalanan ko talaga 'to!" Umiiyak na sabi ni Sander habang niyayakap niya si Diane. "I'm sorry.." Paulit-ulit niyang sabi habang wala ring tigil sa pag-iiyak si Diane na nakasandal at nakayakap rin sa kanya.

~•~•~•~•~

CHAPTER 93 - For Better Or For Worse

~•~•~•~•~

Diane is immediately rushed to the nearest hospital. Mabuti na lang walang maraming covid cases sa ospital na pinuntahan nila kaya tinanggap agad sila doon. Ngunit si Diane.. Napanghihinaan na ng loob si Diane dahil pakiramdam niya maraming dugo na ang nawala sa kanya. Wala na talagang pag-asa. Pinahiga na siya sa isang hospital bed habang isinugod siya sa emergency room. Isang umiiyak na Sander ang kanyang nakita hanggang sa dumilim ang kanyang paningin at tuluyang nawalan siya ng malay..

Pagkagising niya ay nakita niya si Sander sa tabi ng kanyang kama at agad hinalikan nito ang kanyang kamay nang malamang nagkamalay na siya. Nagpaliwanag si Sander na walang bakanteng private rooms at semi-private rooms kaya nasa ward lang siya ngayon. Maliit lang ang kama, halos walang hangin ang electric fan, at kurtina lang ang humihiwalay sa kanila sa iba pang mga pasyente. Halatang hindi nababagay ang isang Diane Martinez doon pero wala silang pamimilian. Ngunit hindi na importante yun. May mas mahalagang bagay pa silang dapat alalahanin.

"Ang baby natin?" Tanong ni Diane. "W-Wala na ba ang baby natin?"

Yumuko lang si Sander habang mahigpit na hinahawakan ang mga kamay ni Diane. Dumating ang doktor at bumati ito sa kanila. Tinanong ulit ni Diane ang tanong na yun sa kanya. Huminga muna nang malalim ang babaeng doktor bago siya sinagot.

"Wala kayong dapat ipag-alala Miss Martinez. The baby is safe." Balita ng doktora at agad lumiwanag ang mukha ni Diane. "Mabuti na lang naidala kayo agad dito or else.. it might have been too late. You could've lost the baby. Matindi ang pagdurugo n'yo kanina mabuti na lang malakas ang kapit ng fetus."

Thank you. Sabi ni Diane sa kanyang isip. Nagpapasalamat siya sa itaas.

"Pero wag muna tayong magpakampante. I will give you some prescriptions so we can make sure that the bleeding will not presume." Pahayag pa ng doktora at pagkatapos ay bumaling siya kay Sander, "Are you the.. father?"

Kahati (GMA Magkaagaw Fanfic)Where stories live. Discover now