92 - Don't get too excited.

458 13 50
                                    


Previous chapter..

Lumabas na lang si Sander sa resto bago pa siya makita ni Diane. Nasaktan siya sa kanyang nakita dahil may kasama itong iba pero pilit niyang hindi paniwalaan kung ano man ang kanyang hinihinala.

Sino kaya ang lalakeng yun?

~•|CHAPTER 92|•~

°

°

°

M. W. F.

Yun na nga lang ang mga araw na pwedeng dalawin ni Sander si Diane tapos hindi pa siya nakadalaw sa Lunes dahil ginugol niya ang buong araw sa paghahanap ng trabaho. Bantay sarado sila ng tita Romina kaya para wala ng gulo, susundin na lang nila ang lahat ng kondisyon na gusto nito. Mas mabuti na rin yun kesa naman sapilitang paghiwalayin sila at layuan ang isa't isa.

Dakong alas nuwebe ng gabi ng martes nang naisipan ni Sander na lumabas ng bahay at puntahan si Diane dahil hindi niya talaga ito matiis. Ngunit para hindi siya hulihin ng mga nakabantay na guards, naisipan niya ang paraan na subok na niya--- ang umakyat sa gate sa likod na bahagi ng mansion.

Success ang kanyang pag-aakyat-bahay. Tumingala siya sa second floor kung saan naroon ang kwarto ni Diane. The window is closed and the curtain is draped. Pero nakabukas pa ang ilaw, nakikita niya. Mga ilang sandali ay pinatay na ang ilaw.

Maaga siyang natulog. Kinuha ni Sander ang kanyang cellphone at tinext si Diane ng Good night. I love you.

Hindi na nag-expect ng reply si Sander kaya tumalikod na siya at uuwi na. Ngunit nag-vibrate pa ang kanyang phone dahil sa dumating na bagong message.

Miss D >>> I love you. Uwi ka na.

Tumingin ulit si Sander sa bintana ni Diane pagkabasa niya sa reply nito. No signs of her but.. Alam pala nito na naroon siya? Napangiti na lang siya sa kanyang sarili at maingat na umakyat na ng pader para makabalik sa kanyang bahay.

Hindi pa maalis sa isip ni Sander ang lalakeng nakita niyang kasama ni Diane noong nakaraang araw. Hindi niya rin ito itinanong kay Diane sa phone. Gusto niyang sa personal nila ito mapag-usapan. May tiwala naman siya kay Diane pero wala siyang tiwala sa ibang mga lalake. Lalo na sa sinabi noon ni Romina sa kanya. He is nothing compared to those men na naghahabol kay Diane.

WEDNESDAY came. Napag-alaman ni Sander kay Regina na hindi pumasok sa opisina ngayon ang CEO kaya nagpunta agad siya sa mansion. Nagtataka siya kung bakit hindi man lang nasabi mismo ni Diane sa kanya na hindi siya papasok sa office? Mas lalo lang lumakas ang kanyang pagdududa. Mukhang may itinatago si Diane sa kanya..

Agad siyang pinapasok sa gate at nang makarating na siya sa harap ng bahay ay nakasalubong niya si manang Linda. "Magandang umaga manang. Si Diane po?"

"Ah.. sandali lang hijo ha. Tatawagin ko."

Nagulat si Sander dahil bakit ganon ang naging trato ni manang Linda sa kanya. Dati naman diretso naman siyang pinapasok kasi understood naman na hindi lang siya isang simpleng bisita. Magiging ama siya ng pinagbubuntis ng amo nila.

Kahati (GMA Magkaagaw Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon