82 - Alex VS. Diane VS. Vanessa

193 12 21
                                    

Lunes na ulit at puro tungkol sa kompanya ng Martinez ang laman ng balita sa nakaraang weekend. Let's just say, nag-trending agad ang bonggang launch party ng Martinez de Cebu. Nagbalik na rin sina Diane at Regina sa Manila right after the event. Party now, work work work afterwards.

It was a typical Monday morning at work, maaga pa lang pero busy na agad ang mga employees. Ngunit sa kabila ng kani-kanilang mga ginagawa ay hindi naiwasan ng mga tao sa building ang mapalingon at mapatutok sa isang panauhin na napadaan. Ang mukha ay parang nagliliyab sa galit at base sa kanyang mabilis na kilos, tila nagmamadali ito na para bang gustong-gusto nang manugod ng tao. Syempre laking gulat naman ng mga empleyadong nakakakilala o nakaka-familiar sa kanya kasi parang hindi naman siya ang ganong tipong tao na mukhang lion na para bang handa nang mangagat. Dire-ditetso lang siya sa kanyang mabilis na paglakakad. Nagtungo sa elevator, pinindot ang 7.. pagdating sa ikapitong palapag ay nag-martsa na palabas at hinanap ang taong kanyang pakay.

Si Vanessa. Si Vanessa ang taong yun na umagaw-pansin sa mga empleyadong nadaraanan niya, mula entrance hanggang 7th floor. May susugurin ata siyang kaaway at dumiretso siya sa office of the CEO/president.

"Ano ang kailangan nila?" Plain na tanong ni Jessica habang hinarangan niya si Vanessa sa daan.

"Ang president ng kompanyang ito. Kailangan ko siyang makausap." Mariin na sabi ni Vanessa.

"Do you have an appointment?"

"Empleyado niya ako. Ako ang front desk manager na dati niyang assistant. Kaya paraanin mo ako dahil ayokong magsayang ng anumang oras."

"Sorry. Front desk manager ka lang pala. You need an appointment schedule before you get to talk with the CEO."

"Inuulit ko miss Jessica, kailangan kong makausap ang boss."

"I'm sorry, hindi kita matutulungan." Sabi ni Jessica at aalis na sana siya ngunit hinawakan ni Vanessa nang mahigpit ang kanyang braso. "Ahw! Nasasaktan ako miss Montes!"

"Talagang mas masasaktan ka kapag makikipagmatigasan ka sa'kin! Hindi ako natatakot sayo kahit ano pa ang posisyon mo dito dahil ang kailangan ko ay ang makausap si miss Diane!"

"What's the commotion all about?"

Biglang dumating si Diane at binitawan na ni Vanessa si Jessica.

"Vanessa, you're looking for me.. Do you have a problem?"

Galit na galit na si Vanessa lalo na nang makaharap na niya ang kanyang boss. Hindi niya maisip kung paano nagawa ng boss niya lahat ng pananakit sa kanya behind her back. Traydor kang hayop ka. Sabi niya sa kanyang isip. Ngunit pilit niyang magtimpi. She'll save her energy for later if there's going to be a fight scene between her and her boss.

"Kailangan kitang maka-usap. Sagutin mo lahat ng katanungan ko."

Diane kind of has a bad feeling about this topic. She signals Jessica that she can already go away. Then she turns to Vanessa. "Hindi ko nagugustuhan ang pananalita mo ngayon, Vanessa. May problema ka ba?"

"Oo may problema ako at talagang mas hindi mo gugustuhin ang mangyayari dito kung hindi mo masasagot nang maayos lahat ng tanong ko!"

Napaatras ng konti si Diane. Hindi dahil nasindak siya sa kanyang dating assistant, pero dahil nabigla siya sa inaasta ni Vanessa ngayon.

"Bakit, ano bang mga tanong mo?"

"IKAW BA ANG BABAE NI SANDER?!"

Diane stood still. This is the day she has been waiting for. Alam niyang darating ito pero hindi niya inexpect na ngayon mangyayari at dito pa talaga sa opisina.

Kahati (GMA Magkaagaw Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon