EPILOGUE

244 12 6
                                    

~•| THE YEAR IS 2024.. |•~


Isang taon na ang nakalipas nang nag-shutdown ang Sunshine hotel. Ito ang pinakamabilis na 5-star hotel sa Southeast Asia na nagbukas at nagsara sa loob lamang ng dalawang taong operasyon. Masyado nang komplikado ang relasyon at ugnayan ng may-ari ng establisyemento na sina Nikolai Sarmiento at Daphne Martinez kaya napagdesisyunan na nilang ihinto ang negosyo. At taong yun rin ay tuloy-tuloy na rin ang naging pasya nilang ibenta nang tuluyan ang kompanya nilang MS Realty.

Sa kasalukuyan ay wala pa ring babaeng kinakarelasyon si Nicko. Nakapagdesisyon na siyang manatiling single. Pakiramdam niya wala nga siguro siyang swerte sa pag-ibig. Walang nang babaeng nakatadhana sa kanya. Sapagkat ang babaeng yun ay itinadhana na sa iba.. I-enjoy nalang niya ang buhay niya at kung anong meron siya.

Si Daphne naman na kanyang ex-wife and now ex-business partner, sinusubok niya naman ngayon ang bago niyang career, ang mundo ng showbiz. Nagsimula ang kanyang hindi-inakalang career change nang biglang may producer na nag-offer sa kanya ng role na "sexy seductive boss" bilang isang side character sa isang paparating na serye sa telebisyon.

Hindi natuloy ang plano ni Daphne dati na tahakin ang mundo ng politika, ang mundong kinalakihan niya, sa pamamagitan ng pagtakbo sa 2022 elections, dalawang taong nakalipas. Suportado siya ng buong angkan ng mga Martinez sa politics side lalo na ang kanyang ama na labis rin ang paghahanda sa kanyang pagtakbo bilang congressman sa isang lalawigan sa Visayas. Ngunit dahil sa nagsisimulang showbiz career ni Daphne at mukhang nag-e-enjoy naman siya, hindi na siya nagpatuloy pa sa kanyang political agenda. Dismayado ang kanyang pamilya sa simula lalo na ang kanyang mga magulang pero matanda na siya kaya gagawin niya kung ano ang kanyang gusto. What Daphne wants, Daphne gets too.

One evening, Daphne attends an elite party. Alam niyang pupunta si Diane pero hindi siya nag-aalala tungkol sa maaari nilang paghaharap. Ang kaisa-isang Diane Martinez na kinamumuhian niya buong buhay niya. Kahit alam niyang naroon ang kanyang mortal na kaaway, mas ginusto pa nga niyang dumalo doon sa event na yun. Medyo matagal na rin silang hindi nagkita. Huling nagka-usap sila ay noong 2021 pa yata. Wala rin naman silang dapat pag-usapan dahil kapag magkalapit sila, bangayan at sagutan lang ang mangyayari. They are like cats and dogs.

Magkasama si Diane at Sander na dumalo sa party. May biglang tumawag na guest kay Sander kaya pinuntahan niya muna ito at naiwan si Diane sa isang table, enjoying her champagne in hand.

"Hello, my precious cousin."

Tumingin si Diane sa direksyon ng babae, hindi na niya ikinasupresa ang kanilang pagtatagpo sa event. Pagkatapos laklakin ni Diane ang imumin ay ngumiti siya sa babae at sinabing, "I always knew I would meet you here."

"Of course I would be here, I am an elite!" Proud pang sabi ni Daphne. Sinamahan niya si Diane sa table kahit hindi naman siya niyaya. Hindi na siya pinansin ni Diane. May dumaang waiter na may dalang drinks kaya kumuha rin siya ng isa, margaritas. Nagsalita na naman siya, "How are you, Diane? Miss me?"

"Close ba tayo para ma-miss kita? At sino bang nagsabi sayo na makipag-table ka sa'kin?" Cold na saad ni Diane.

"Ouch Diane, why are you always so mean to me?" Daphne pouted like a kid. "Hindi mo ba kilala kung sino itong nasa harap mo?"

Diane gives her annoying cousin a bored and annoyed look, saying, "Daphne Martinez, bukod sa pagiging reyna ng ampalaya at papaitan, may bago ka na naman bang title?"

"Grabe ka talaga ha." Nilagay ni Daphne ang kanyang kamay sa puso niya na kunwari nasasaktan siya sa sinabi ng pinsan. "Don't you know you're talking to a celebrity now? I am now an actress. Hindi ka ba proud?"

Kahati (GMA Magkaagaw Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon