62 - The DIRTY deal with Mr. Cinco

208 14 12
                                    

Diane gives Sander a kiss on the lips just to make sure she's okay and there's nothing to worry about. It was just a peck. Sander smiles at her after they shared that kiss.

"Love? Miss D?"

Biglang sumulpot si Vanessa at tila nakakita ng multo sina Diane at Sander. "Vanessa?!" Sabay na pagkagulat ng dalawa at dumistansya na sa isa't isa.

"Nandito pala kayo." Sabi ni Vanessa at tinanggal ang kanyang suot na face mask at face shield. "Hi miss!"

"Good to see you again. I thought you already left?" Diane asks, trying to sound calm and casual. Best actress kaya yan kahit hindi naman talaga siya actress.

"Wala nga po palang byahe ang mga bus ngayon eh. Nag-stra-strike yung mga drivers. Bukas na talaga ako makakauwi nito. Di bale na, valid for 3 days naman yung travel permit ko." Pagpapaliwanag ni Vanessa. "Love, ayos ka lang?"

"Ah, love.. kanina ka pa d'yan?" Namumutla pa rin si Sander.

"Hindi naman. Nakita ko kasi na may sasakyan sa labas. Hindi ko naman na-recognize na kay miss D pala. Pano kasi ang dami n'yo pong sasakyan hehe."

Putting back her mask on, Diane says, "So, I have to get back to the office now."

"Ah, miss sandali.." Sabi ni Vanessa sabay hawak sa arm ni Diane. "Sana po makakapunta kayo sa amin dun sa Bulacan next month. Eh.. first birthday na po ng anak namin ni Sander. Simple celebration lang po kasi pandemic pero sana makakarating kayo."

What month is next month? Ah yes, September last year nga pala nanganak si Vanessa. Naalala ni Diane na pumayag nga pala siyang maging ninang ni baby Kylie. Imagine being a godmother to the child of your with-benefits.

"Let's see what I can do." Diane said with a smile.

*

*

*

*

*

"Let's see what I can do." Regina imitated her cousin but more in an exaggerated way. "If I know, in Diane's language it means I'm-trying-to-sound-like-I'm-going-to-do-my-best-to-go but really I-don't-want-to-go."

Hindi na nag-react si Diane kasi parang tama naman ang pinsan niya. Sa halip ay komportable siyang umupo sa kanyang swivel chair habang nakatingin sa malayo. Ikinwento niya kasi kay Regina ang nangyari kahapon nang nagpunta siya sa bahay ng assistant niya at muntik na silang mahuli ng fiance nito na nag-ki-kiss.

"Ang sabihin mo, guilty ka sa namamagitan sa inyo ni Alexander kaya wala kang balak pumunta sa birthday ng inaanak mo."

"Busy ako-"

"Kahit gaano ka pa ka-busy Diane, kung gugustuhin mo, magagawa mo. Alam ko na yan, kilala kita. Ayaw mo lang talaga kaya kung ano-ano ang dahilan mo." Pagdadaldal pa ni Regina na para bang pagod na pagod na siya sa mga drama ng pinsan niya. "Oh ano, nag-iisip ka na naman ng scheme."

"Iba ang iniisip ko."

"Ah alam ko na yan, alam mo na it's a lame reason if you're going to say you can't come because you're busy with the company. Since hindi naman masyadong busy sa Martinez kasi nga pabagsak na tayo diba.. So gagawin mong rason ang strict borders due to the pandemic kaya hindi ka makakapunta. Strict sila lalo na pag galing sa Metro Manila ang pumunta doon-"

"Regina?? Will you please shut up?" Diane finally scolds her cousin. "Well maybe you're right at some point. Pero talagang may iba pa akong iniisip na mas importante kaysa d'yan."

Kahati (GMA Magkaagaw Fanfic)Where stories live. Discover now