✨SPECIAL CHAPTER✨ (Requested)

372 8 53
                                    

The year is 2025.

Isang babaeng mga nasa late 40's ang edad, kulay pula ang suot na dress, nakatayo sa balkonahe ng malaking mansyon, isang umaga. Masarap ang simoy ng hangin, malinaw ang bughaw na langit at ang init ng araw ay lalong nagbibigay-buhay sa paligid kaya'y magandang tignan mula sa ibabaw. Huminga nang malalim ang babae at napangiti siya sa kanyang kinakargang munting nilalang.

She is carrying a baby. And it is a girl.

Mahimbing na natutulog ang isang buwan pa lamang na sanggol. Habang minamasdan niya ito, naramdaman niyang may dalawang brasong yumakap sa kanya mula sa likod.. her husband.

"Ang sarap naman ng tulog ni baby."

"Parang gusto ko na lang siyang titigan palagi habang natutulog." Sagot ng babae. "Isn't she so cute, Alex?"

"Mm-hmm." Pag-sang-ayon ni Sander habang nakayakap pa rin kay Diane. "Ang bilis ng pangyayari ano? Hindi natin inexpect na may darating pang kagaya niya sa pamilya."

"Mm-hmm." Si Diane naman ang sumang-ayon. "Kaya higit pa sa milagro itong si baby Sahara."

Hindi mapigilan ni Diane ang mapangiti habang nakatitig sa baby. Hindi naman siya ganon kahilig sa mga bata dati (sa paggawa siguro ng bata, oo) pero ngayon na may hawak siyang baby girl, kakaiba ang naramdaman niyang tuwa. But don't get her wrong, she was happy carrying her sons Daniver and Jacques in her arms before, too. She loves both of her sons but she also wished for a daughter.

"Iniisip mo ba na sana atin siya?" Tanong ni Sander na naglalambing pa rin sa kanya. Parang ginapos na ang mga kamay nito sa bewang ni Diane na para bang ayaw niyang makawala ang asawa niya.

"Siguro ang selfish ko na kung gusto ko nalang angkinin lahat-lahat sa mundo, ano?" Her witty rhetorical question.

"Nasayo naman lahat-lahat, ah? Lalo na ako." Insert the corny-clingy-cheesy joke na naman ni Sander. "At dahil iyong-iyo ako, pwede pa tayong gumawa ng ganyan." Dagdag niyang biro.

"Huy ano ka ba! Ikaw talaga ang aga-aga pa, yan na kaagad ang iniisip mo." Says Diane laughing. "As if ba naman mabubuntis mo pa ako. Ang tanda ko na, I'm almost fif-"

"Shhh. Ayan ka na naman." Sander silenced her. "Diane, hindi yan mahalaga. Hindi magbabago ang pagmamahal ko sayo at yun ang importante."

"But I can no longer give you another child."

"Hindi naman kita pinakasalan para bigyan mo ako ng maraming anak. Andyan na si Daniver at may Jacques na tayo. Sobrang dami ng blessings ni Lord para sa'tin." Pagcocomfort pa ni Sander. "Pero malay mo diba? May pag-asa pa kung susubukan natin."

Kung sa bagay. Naisip ni Diane. Si Alex talaga. Always knew the words to comfort and calm her. He hugs her tighter as he kissed her neck then her left cheek. Then he perches his chin on her shoulder as they both looked at the sleeping child on Diane's arms.

Mayamaya pa'y dumating na ang totoong ina ng sanggol at nilapitan silang tatlo para kunin ang kanyang anak. "Time for milk baby Sahara!"

"Miss Regina."

Hanggang ngayon nag-mi-"miss" pa rin si Sander kay Rej kahit halos 4 years na siyang kasal sa pinsan nito. Naiilang kasi siya kapag tinatawag niya lang si Rej sa pangalan.

Diane hands the baby to Regina and so it got awakened. "Mukhang wala ka nang planong bitawan yung anak ko Diane ah."

"It's just so surreal." Rason ni D matapos ibigay ang baby. "Hindi pa rin ako makapaniwala na may anak ka na!"

Yep. Baby Sahara is Regina and René's daughter. Sa wakas may anak na sila!

But wait, paano sila nagka-anak? At kailan?

Kahati (GMA Magkaagaw Fanfic)Where stories live. Discover now