30 - Your face sounds familiar

168 16 9
                                    

"Akalain mo 'tol, sabay pa talaga tayong mag-aapply sa Martinez. Talagang magkaibigan tayo." Sabi ni Gab sabay bro-fist sa kaibigan niya.

Ngayon lang sila nagkita ulit pagkatapos ng bachelor party ni Sander two months ago. Kung sa huli nilang pagkikita ay lasing na lasing sila at puro kulitan, ngayon ay pormal na pormal na silang tignan dahil pareho silang naka long-sleeve na may collar, at tsaka naka-necktie pa. Dress to impress ika nga.

"Ikaw, 'tol ba't naisipan mong mag-apply dito?" Tanong naman ni Sander habang naghihintay pa sila. Nasa loob na sila ng Martinez Corp.

"Eh.. Sabi ni tito Baste hindi raw ako dapat palaging umaasa nalang sa magulang ko at sa mga kamag-anak namin. Dapat raw matuto akong tumayo sa sarili kong mga paa, eh ang bilis ko ngang tumakbo diba?"

Nagtawanan sila sa biro ni Gab. "Tapos laging sinasabi ni mommy na grumaduate lang ako ng college pero parang wala pa rin akong patutunguhan. At tsaka nahiya na rin ako kay tito. Alam mo naman na noon pa man, siya na ang nag-spo-spoil sa akin."

"Tama yan 'tol. Unang trabaho mo ba 'to?"

"Hindi. Pero sana dito na ako magtatagal." Hininaan niya ang kanyang boses sa sunod niyang sinabi. "Balita ko maganda at sexy ang CEO dito."

"Ikaw talaga, oh. Puro talaga ganyan alam mo. Kaya ka hindi nagkaka-serious relationship kasi hindi ka stick to one."

"Syempre naman. Dating gawi pa natin yan diba? Hahahahaha! At tsaka bakit naman ako mag-iistick to one? Eh there's plenty of fish in the water nga diba? Lambat ang gamitin 'tol para maraming makuha."

"Excuse me, kayong dalawa ba yung bagong aplikante?" Approach ng isang staff.

"Kami nga, Miss."

"Sino sa inyo si Abellana?"

"Ako." Sagot ni Gab.

"Proceed ka na sir sa HR. Then ikaw sir," Sabi niya naman kay Sander. "Dumating na si Miss D kaya dun ka na sa CEO's office. She doesn't like waiting."  She emphasizes the last sentence.

"Sige pupunta na 'ko. Hinihintay ko lang ang kasama ko. Salamat." Sabi ni Sander at umalis na ang staff.

"Tol mauna na 'ko ha. Good luck sa'tin pareho." Sabi ni Gab. "Balitaan mo nalang ako kung talagang maganda ba ang CEO."

"Love! Let's go?" Dumating na si Vanessa galing nagbanyo.

Huminga ng malalim si Sander para maibsan ang kaba. "Sige tara."

"Good luck, Gab!" Sabi ni Vanessa as they parted ways.

Pagpunta nila sa opisina ng CEO, pinag-antay muna ni Vanessa sa labas si Sander at siya ang unang pumasok. Nag-ring muna siya ng bell sa may pintuan. Nilagyan na ng ring botton sa pinto dahil hindi masyadong naririnig sa loob ang katok lamang dahil pina-soundproof na ang room.

"Good morning, Miss D. Ready for interview na po yung.. yung magiging substitute ko." Ang weird naman kasing pakinggan kung sasabihin niyang ready for interview na po yung asawa ko. Aside sa hindi niya pa talaga ito "asawa", parang ang unprofessional naman pakinggan.

Naka-upo si Diane sa kanyang swivel chair. She's wearing a one-strapped tight knee-level red dress with a slit on the right up to mid-thighs. Though red is obviously her favorite color, hindi naman all the time na ganun ang kulay ng suot niya. This is just one of those days. The CEO doesn't have a uniform, unlike the rest of the employees who are required to wear formal/corporate attires. Except the CEO and other Martinezes in the higher positions. Parang nag-o-OOTD sila araw-araw.

"Come in, Vanessa, sige pumasok kayo." Masayang yaya ng boss.

Tinabi muna ni Diane ang mga gamit sa mesa para maging ready na siya sa interview. First time niyang ma-meet in person ang fiancé ng assistant niya. Tumayo siya pagkatapos mag-arrange ng desk niya.

Kahati (GMA Magkaagaw Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon