24 - Bachelor and bachelorette

111 14 0
                                    

Back to work na si Regina sa opisina. Na-miss na niyang magtrabaho ulit. One year and a half siya doon sa France instead of one lang gaya ng sinabi niya. Maraming natuwa sa kanyang pagbabalik. May mga hindi rin masyadong na excite. Sabi nila kompleto na naman ang pwersa ng dragon at lion. Mas masungit din kasi Regina sa trabaho lalo na 'pag nagkakamali ang empleyado. Si Diane, dinadaan niya sa pagiging professional at sophistication ang lahat.

"Hindi naman talaga sila masasamang tao sa totoong buhay. Trabaho lang." - Yan ang laging sinasabi ni Vanessa.

Ngunit may mga tao talagang makikitid ang utak at judgmental tulad nina Angel, Justine at Lynn, ngunit lalong-lalo na si Angel, na nag-iisip na "the devil in disguise" ang CEO ng Martinez.

"Devil na maganda at sosyal. The devil wears prada kumbaga." - Ang paglalarawan ni Angel sa kanilang boss.

Tatlong buwan bago ibinunyag ni Vanessa sa kanyang nanay at kapatid ang kanyang pagbubuntis. Ngunit kagaya ng mapagmahal na ina, sinusuportahan ni Lisa ang kanyang anak. Ipinangako pa rin Vanessa at Sander na kahit anong mangyayari, sila pa rin ang bahala sa pantustos sa pag-aaral ni Alyssa. Dahil kahit sa isang state university ito nag-aaral, napakarami pa rin niyang gastusin. Tourism student siya at hindi ang school ang nagsho-shoulder ng expenses kapag may tour sila. Lalo na sa 2nd sem ng 3rd year ni Alyssa, malaki ang kailangang pera para sa first outside of the country tour nila, sa Singapore upang mapag-aralan ang tourismo ng bansa on a first-hand experience.

Back to the office, sobrang #shookt sina Angel nang nalaman nilang nagdadalang-tao na pala ang kanilang kaibigan. Hindi nga nila alam na matagal na itong engaged. Ang alam lang nila na in a relationship ito.

"Grabe naman kayo kung hindi n'yo napansin ang singsing ko, 'no?" Sabi ni Vanessa at ipinakita ang kanyang kamay na may singsing.

"Eh, akala namin for fashion purposes lang." - Angel

"Ako nga dalawa ang singsing pero walang jowa!" - Justine

"Alam ko na!" Sabi ni Lynn. "Mag-plan tayo para sa baby shower mo."

"Sige gorl! Game ako dyan." - Justine

"Or!" Hirit ni Angel. "Bachelorette party. Mas masaya yun! Doon tayo sa isang club, tapos may mga bebe boys and drinks.. Let's get drunk like it's our last hurrah!"

The three giggled like a bunch of little girls. One of the other employees silenced them.

"Hay nako kayo talaga kung ano-anong naiisip na pakulo. Gastos lang yan." - Vanessa.

"Ano ka ba, syempre kaming mga friends mo ang bahala sa expenses."

"Bahala na nga kayo d'yan. Doon na 'ko sa office ni Miss D, baka mapagalitan pa ako."

Unti-unti nang nag-reveal si Vanessa sa pregnancy niya. Although hindi naman talaga ito matatago kasi lalaki at lalaki ang tiyan niya, pero hindi naman niya ito sinasabi sa lahat. Sa pamilya niya lang at sa malalapit na kaibigan. Kahit boss niya hindi pa ito alam. Wala rin namang nahalata si Diane so far dahil simula nang dumating si Regina, ito na ang lagi niyang kasama 'pag lumalabas. Though sinasama rin niya si Vanessa, si Regina naman ang tumututol minsan. Hindi nalang sinabi ni Vanessa sa kanila kasi sa tingin niya'y hindi naman yun ganun ka importante sa kanila. Hanggang sa nag-limang buwan na ang kanyang tiyan at nagsimula na siyang magsuot ng mas maluluwag na damit. Nahihirapan siyang maghanap ng maluluwag at komportableng work outfit na at the same time formal/corporate attire pa rin.

"Are you pregnant or you're just gaining weight?" Tanong ni Regina sa kanya one time nang nasa opisina siya ni Diane at naroon ang magpinsan na amo. Kapansin-pansin na kasi ang baby bump ni Vanessa.

Kahati (GMA Magkaagaw Fanfic)Where stories live. Discover now