49 - Second time's a charm, third time's a bliss

393 16 27
                                    

"Pinatunayan mo na hindi ka lang pala sa pagiging assistant magaling." Sabi ni Diane once they woke up in the morning as they talked about what just happened a few hours ago.

"Anong ibig mong sabihin?" Pagmamaang-maangan naman ni Sander, looking at Diane who's lying on her side, just a blanket covering their bodies.

Tumawa nalang si Diane at hindi na sinagot ito dahil alam niyang gusto lang ni Sander na marinig mula mismo sa bibig niya na magaling ang huli sa kama.

"Siguro ang dami mong naging girlfriend, ano?" She asks.

"Sabihin nalang natin na.. marami rin akong na-experience." His honest answer.

"So, Vanessa is definitely not the first, not the second, not even the third."

"'Yung first sexual encounter ko kasi.." Sander lies on his side so he could see Diane face-to-face. "Mga 14 pa siguro ako n'on."

"What?!" Diane freaks out. "Tsk, you, millennials."

"Kung makapag you millenials ka parang ang layo ng agwat ng edad natin. Ang tanda mo namang pakinggan." Pang-aasar ni Sander. First time niyang gawin yun sa boss niya.

"Eh talagang malayo naman ang agwat ng edad natin, ah?"

"Hmm! Bakit ilang taon ka na ba? Ah huhulaan ko, siguro nasa mid-30's ka na.. Ah, 35." Kampanteng hula ni Sander.

"Seryoso ka ba? Higher."

"36."

"Even higher!"

"37, 38?"

"Come on! How could you not know the age of your own boss??"

"39?"

"Alam mo, hindi ka magaling na manghuhula." Sabi ni Diane. Tawang-tawa na siya dahil all this time hindi pala alam ng assistant niya ang kanyang edad.

"Teka, 'wag mong sabihing nasa 40's ka na? Hindi ka naman siguro lagpas 40.. Uhm sige, 40." Seryosong hula ni Sander.

"Trust me, I'm old enough to be your mom."

"Nanay ko? Ano na bang edad ni nanay ngayon uhm.. Ah, 43."

"45."

"Nanay ko 45? Hindi, kasi 16 daw siya n'ong pinanganak niya ako eh, 27 na ako ngayon so 43 na siya-"

"No Alex, I'm coming 45!" Sabi ni Diane at lalo siyang natawa sa gulat na gulat na mukha ni Sander nang sinabi niya iyon.

"Ano??" Alex freaks out almost jumping off the bed. "So kung nabubuhay pa si inay.. mas m-matanda ka pa sana sa kanya?!"

"I guess so," Tumango si Diane. "What happened to your mom again?"

"Ayun, nagkaroon siya ng complications sa panganganak kasi sobrang bata pa niya nun. Pinapili siya kung sino isalba niya, sarili o ang bata. Syempre ako ang pinili."

"I'm sorry." Naaawang sabi ni boss. "Tinanong ko pa."

"Okay lang. At tsaka hindi ko naman siya nakilala o nakita eh."

"Kahit na. Kahit hindi mo siya nasilayan hindi ibig sabihin na wala ng kwenta ang pagkamatay niya. Binuwis niya ang buhay niya para sayo. Kung ako ang nasa sitwasyon niya, pipiliin ko ang sarili ko tutal pwede pa naman kaming gumawa ng another baby with my husband."

"Ouch?" Nag-pout si Sander as if na-hurt siya sa sinabi ng amo niya. "Hindi rin nagpakita ang gago kong tatay eh. At tsaka kung wala ako ngayon, hindi ka sana nagkaroon ng unforgettable.."

"Ng unforgettable ano?" Maang-maangan effects ni Diane. "Don't flatter yourself too much, Alex." She said with a smirk then bumangon na siya at umupo sa kama. She still managed to cover herself with the thick blanket.

Kahati (GMA Magkaagaw Fanfic)Onde histórias criam vida. Descubra agora