79 - The History with Daphne

144 14 10
                                    


First day at work for the year 2021 pero si Diane mukhang okay lang sa kanya na ma-late. Kung sa bagay, CEO rin naman siya, kung ayaw nga niyang pumasok, okay lang. Kung hindi lang sana kay Alex na makikita niya doon sa office, hindi na sana siya papasok ngayong araw.

On the way to Martinez, Diane tells her driver to drop by at Moonbucks because she wants to buy a coffee. After getting what she wants at the shop, she heads back to the door.. when she suddenly bumps into someone.

"Diane!"

Imbes na matuwa kung sino man ang tila masayang nakasalubong siya, napapa-poker face na naman si Diane. Plano niya sanang mag-set ng magandang mood para sa araw na ito pero pagmumukha pa ni Daphne ang kanyang biglang makikita.

"Daphne. We meet again."

"I know right! Siguro gusto nga ng universe na pagtagpuin tayo palagi kasi nga matagal na tayong 'di nagkita." - Daphne with her plasticity.

"So bakit mo naisipang bumalik sa Pilipinas.." Diane casually asks. "Akala ko ba masyadong maliit ang bansang 'to para sa ating dalawa?"

"Well.. kung hindi lang mapilit si papa, hindi ako uuwi dito. I will be here for good. Gusto kasi ng papa na ako ang hahalili sa kanya bilang bagong mayor sa paparating na elections next year." Sabi ni Daphne saka lumapit kay Diane para may idagdag pa na ibulong. "Atin-atin lang muna yan ha hangga't hindi pa ako nakapag-file ng candidacy."

"Oh, good for you." Diane says. "But how would that be possible? Kailangang at least 10 years kang nandito bago ka mag-qualify."

"Come on, Diane.." Daphne chuckles as if Diane said something stupid. "We're Martinezes! Pera lang naman katapat n'yan. As if ba naman hindi mo yan alam? We can do anything we want with all our wealth!"

Hindi napigilan ni Diane na tumawa sa sinabi ng kanyang pinsan.

"I know you're underestimating me, Diane. Siguro nga wala akong experience sa politika.. Pero ito ang mundo at pamilyang kinalakihan ko.. Oh well, hindi ka nga pala nakaka-relate kasi magkaibang mundo tayo. We certainly know about power and taking control to build an empire."

"Well.." Sabi ni Diane na nakataas ang isang kilay. "Good luck nalang sayo at sa mga plans mo."

"A Martinez never fails. I will win in this election. Mark my word." Tinaasan rin ng kilay ni Daphne si Diane.

"Like I would care? You know Daph darling, kahit ano pang gagawin mo wala akong pakialam kahit tumakbo ka pang presidente sa Pilipinas. Marami akong aasikasuhin sa kompanya KO. You know.. something about power and taking control to build an empire.. Ay oo nga pala, hindi ka nakaka-relate kasi WALA KANG KOMPANYA. Gotta go now, I don't want to be late."

Daphne wanted to throw a slap on Diane's face but Diane was quick to swerve away and said, "Oops! Don't you dare, Daphne. Tandaan mo, may dala akong kape, ikaw bibili pa lang. Baka wala na akong mainom pag nabuhos ko 'to sa pagmumukha mo."

"You bitch!" Daphne says with a humiliated face.

"And you're a witch." Quick comeback of Diane. "If being a bitch makes me better than you, then thank you for the compliment."

"Whatever! You're wasting my time!"

"Oh saan ka pupunta?" Hinawakan ni Diane si Daphne sa braso para hindi makaalis sa kanyang harapan. "Mag-wo-walk out ka? Sorry Daphne, extra ka lang dito. Ako ang bida kaya ako ang mag-wo-walk out."

Diane makes her way out of Moonbucks with poise. Si Daphne naman halos umuusok na ang ilong sa galit pero pinilit niya ang kanyang sarili na kumalma dahil ayaw naman niyang magpakababa para mag-eskandalo doon at baka masira pa ang kanyang "image".

Kahati (GMA Magkaagaw Fanfic)Where stories live. Discover now