23 - New life, new blessing

114 14 4
                                    

It's the start of the year 2019, Diane comes home to the Philippines again to get back to the usual routine. Work. Work. Work.

She spent Christmas and New Year with her family in New York. But she had a flight back to the Philippines in 2nd day of January. Masakit pa rin sa kanya ang malayo na naman sa asawa't anak kahit na ilang taon na nila ito naging arrangement. Pero dahil ayaw niyang yan ang magdudulot ng pagkalungkot at pagka-stress niya, ni-lo-look-forward niya nalang ang pag-uwi ni Regina mula sa France sa katapusan ng buwan na yun.

Dahil kakatapos lang ng holidays, naging busy sa opisina ng Martinez. Peak season hindi lang ng M-Tower pati na ang iba pang hotels at accommodation sectors basta December at January. Busy sila ngayon sa paggawa ng annual reports. At dahil 5-star hotel ang M-Tower, marami sa mga bookings ay ng mga artistang local man o international, politicians, foreigners, at iba pang mga napa-bilang sa kung tawagin ay "elite society." Sobrang mahalaga sa kanila ang mga review at feedback para as much as possible ma-maintain nila ang title bilang best 5-star hotel in the Philippines. Kaya ginagawa nila ang lahat na perfect talaga ang M-Tower, mula building structure, facilities, at hanggang customer service. Dahil kahit konting mali, may nakitang maliit na ipis sa isang room, makaka-cause na ito ng bad review sa hotel at maaari pang maging sanhi na makunan sila ng star.

So sa pag-uwi ni Regina, hindi siya nagsabi kung anong araw talaga ang pagdating niya sa bansa. Gusto niyang i-surprise ang bestfriend slash pinsan niya. Ngunit pagdating niya sa bahay ni Diane..

"Hellooo everyone!!"

Ang head ng mga kasambahay ang bumungad sa kanya.

"Manang Linda! Hi it's me!"

"M-mam Regina?? Ay! Ma'am Regina kayo pala yan!"

"Yes, nawala lang ako ng over a year parang hindi n'yo na 'ko kilala! Kumusta po?"

"Ayy ito ma'am walang pinagbago, tumatanda lang. Pasensya na't muntik na kita hindi nakilala. At tsaka medyo nag-iba rin kasi hitsura n'yo." Ang paliwanag ni Manang Linda. Dark brown with blonde highlights na kasi ang buhok ni Regina. Bagets na bagets ang suot at naka fashion shades pa.

"Anyway, nasan po si Diane? Parang wala ata siya dito. Imposible namang nasa office siya eh Sunday naman ngayon."

"Lumabas ma'am kanina pa. Kasama niya ang assistant niya."

"May bago siyang assistant?"

"Hindi ko alam eh kung bago ba yun o ano."

"Kasi imposible naman kung si.. ang kasama niya.. Di bale nalang babalik nalang ako tonight. Dito ako matutulog mamaya pero wag n'yo munang sabihin na pumunta ako dito. Bye, Manang Linda!"

*

*

*

*

*

Later that evening..

"Manang Linda.." Dumating na si Diane sa bahay.

"Magandang gabi, mam." Bati ng isang kasambahay na nasa pinto. Hindi ito si Linda.

Pagpasok niya sa sala ay may nakita siyang bag sa sofa.

"Kanino yan?"

"May bisita po kayo, mam Diane."

"Sino?"

"Guess who's back."

Lumabas si Regina from upstairs at bumaba siya mula sa hagdan with poise. Feel na feel pa niya ang kanyang "grand entrance."

Kahati (GMA Magkaagaw Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon