45 - Tinablan ng konsensya

195 15 10
                                    


"Gusto ko lang naman sanang sabihin sa inyo ang tungkol sa anak namin!"

LUNES at nasa opisina na si Diane ngunit hindi na siya mapakali. Hindi kasi mawala sa isip niya ang nangyari kahapon. She feels so embarrassed about what she told Alex. Iba naman pala ang pinunta nito sa bahay niya.

"Padalos-dalos ka kasi, Diane! Ano bang nangyayari sayo?!" Sermon niya sa kanyang sarili.

Hindi rin siya mapakali dahil sa sinabing binyag. Wala siyang problemang maging ninang sa anak ng mga empleyado niya lalo pa't malapit naman ito sa kanya. Pero dahil sa mga nangyari, parang hindi pa siya handang makita si Vanessa. Guilty pa rin siya.

Nakatingin lang muna si Diane sa malaking aquarium na naka-display sa sala ng office niya. Kabago-bago lang nitong nilagay doon. Hindi siya mahilig sa mga isda ngunit gusto niya namang may maiba ngayon sa opisina niya. Iniba na kasi ang set up sa opisina niya. Sa gitna na ang sala, at ang mismong working desk at swivel chair niya ay doon sa may glass wall. Ngayon y mas mukha ng bahay ang loob ng office niya. Meron na ding Christmas decors.

Siya lang naman mag-isa doon sa ngayon dahil may inutos pa siya sa kanyang secretary. Sa tingin niya'y hindi pa ito makakabalik agad-agad kaya kinuha niya ang kanyang phone para may tawagan.

"Miss D! Good morning po! Kumusta po kayo??" Mabilis na nakasagot ang kabilang linya.

"Vanessa! Okay lang naman. Ito, busy as usual. Ikaw? Yung baby mo?"

"Mabuting-mabuti naman po sa awa ng Diyos. Uhm.. Alam ko pong ayaw n'yo ng mga ganito pero sa totoo lang.. Sobrang na-miss ko po yung boses n'yo."

"Haha na-miss mo na bang mapagalitan?"

"Hahahaha gustong-gusto ko na nga po magbalik-trabaho, Miss eh. Baka sa January makakabalik na ako, Miss, kapag hindi ko na i-bre-breastfeed si Kylie."

Parang biglang nakalunok ng tinik si Diane at hindi na nakapagsalita. Si Vanessa magbabalik na bilang secretary niya? Sure, close na close na sila ni Vanessa noon. Sa closeness nila pati fiance nito nahiram niya ng isang gabi..

"Miss? Ah, baka busy pa po kayo d'yan. Saka na lang ho tayo mag-usap."

"H-ha?? Ah.. Vanessa.."

"Po? Bakit po, Miss D?"

Hindi akalain ni Diane na tatablan siya ng ganun kalalang konsensya. That was already some weeks ago..

"I'm sorry." Ang unang nasabi ni Diane. "I'm really sorry."

"Ha? Bakit po?"

"Sorry k-kasi.." She stutters. "Kasi hindi ako makakapunta sa baptism ng anak n'yo ni.. Alexander."

That name.

"Ah ganun po ba? Naiintindihan ko Miss. Bukod sa malayo dito sa amin, alam ko naman pong mas marami kayong mga gagawin na mas importante. Hindi n'yo po kailangan mag-sorry."

"But don't worry. Magni-ninang pa rin ako."

"Talaga po? Nasabi pala sa inyo ni Sander? Akala ko hindi niya nagawa. Naku, sobrang isang malaking karangalan ho sa'min na pumayag kayo!"

"Ano ka ba, hindi ka na naiiba sa'kin. At kung may kailangan pa kayo para sa celebration, like sa expenses, wag kang mahiyang magsabi. I'll take care of it. Para sa inaanak ko."

Kahati (GMA Magkaagaw Fanfic)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt