74 - Laglagan na ba?

205 10 2
                                    


Nasa bahay nina Sander at Vanessa ngayon si Melissa. Kagagaling lang niya sa Martinez, matapos ang naging matindi nilang sagutan ni Diane. Her daughter gave her a spare key to the house that Diane bought. Hindi mapakali si Melissa dahil nararamdaman niya na kahit papano, siya pa rin ang naging talunan. Kahit kailan hindi niya kayang kalabanin ang kanyang mortal na kaaway. Para bang lagi nalang siyang hawak sa leeg nito. Siya pa mag-isa sa bahay kasi nasa trabaho pa ang magkasintahan. Paulit-ulit pa ring tumutunog sa utak niya ang bawat salitang binabato nila ni Diane sa isa't isa kanina..

"Sinira mo ang buhay ko noon. Binilog mo ang ulo ni Vanessa para paniwalaing mabait at mapagkatiwalaan kang tao. Nakipag-relasyon ka kay Sander na higit na mas bata sayo, at siyang kasintahan ng anak ko at ama ng apo ko. Halos ilagay na nga ni Vanessa sa altar ang larawan mo kasi paningin niya sayo ay parang isang banal na santo. Iniidolo ka niya!" Humingang malalim si Melissa bago pa nagpatuloy. "Ang dami mo ng atraso sa'kin, Diane. At ni hindi ka man lang nag-dedeny so totoo nga lahat. Ikaw nga ang babae ng magiging manugang ko. Mga hayop. Hindi ako papayag na matuloy ang pag-alis n'yo sa Paris! Walang kaalam-alam si Vanessa samantalang magpapakasarap kayo doon! Hindi ako papayag na papalampasin nalang lahat ng ito dahil sobra-sobra na ang mga ginawa mo! Humanda rin ang Sander na yan pero uunahin kita malandi, maharot, makating higad ka!"

"Keep talking, Melissa." Ang tanging sabi ni Diane at parang chill lang na nakaupo sa kanyang swivel chair. I don't give a fuck ang peg ni boss, samantalang si Melissa sa harap niya ay tila handa ng kumain ng tao sa sobrang galit. Silang dalawa lang sa loob ng office. Hindi rin alam ni Sander na naroon ang soon to be mother-in-law niya kasi nasa meeting siya na pinapa-attend sa kanya non ng boss niya.

"Ah ganon, hindi ka natatakot kasi maliit lang ako? Wala akong pera, hindi ako mayaman kagaya mo? Eh kung sabihin ko sayo na kayang-kaya kitang sirain! Desente kang tao, Diane. Strong-minded.. sophisticated.. admired.. Diane Martinez." Plastik na sabi ni Melissa. "Kay bango at kay linis ng pangalan mo. Tapos mamamantsahan dahil nakipag-relasyon ka sa assistant mo, na mas bata sayo, at higit pa dun, ikakasal na siya sa isa mo pang empleyado na close sayo. Triple kill yun, Diane! Tignan natin kung hindi ka sisikat sa kahihiyan na yan."

Hindi pa rin naapektuhan si Diane at talagang wala siyang paki-alam.

"At kapag malalaman ito ni Vanessa, kung gaano mo siya pinaglaruan at pinaikot-ikot, humanda ka talaga. Mabait na bata yang si Vanessa. At masamang magalit ang mga taong mababait. Tignan natin kung hanggang saan yang tapang mo. Ang tanda-tanda mo na pumatol ka pa sa mas bata sayo! Mamaya talagang sasabihin ko sa kanya ang lahat!"

"Really? Sasabihin mo sa kanya ang lahat?" Diane stood up from her chair and walked in front of Melissa in a dramatic slow pace. "Hindi ba't hindi mo pa nasabi sa kanya ang buong katotohanan sa pagkatao niya? Kapag nalaman niya na may relasyon kami ni Alexander, matutuklasan rin niya ang sikretong matagal mo ng tinatago."

"Ano naman ang kinalaman dun?" Tanong ni Melissa. "Bakit iniiba mo ang usapan, wala namang konekyson ang pagiging kabit mo sa pagkatao ni Vanessa ha!?"

"Hm.. Slow ka pa rin talaga, ano. Nanay ka nga talaga ni Vanessa" Diane chuckles.

"Tama na ang pang-iinsulto mo Diane, sabihin mo na sa'kin kung anong dahilan!"

"Relax! Ang hot mo naman. Yung BP mo tumataas na." Pang-aasar pa talaga ni miss boss. "Naalala mo ba yung nagka-affair kayo ni papa? That incident hurt me for so long. The scar is still here." Sabi niya sabay turo sa bandang kaliwa ng dibdib.

"Kaya ito ang paraan mo para gumanti?" Hula ni Melissa. "Tama na, Diane. Nakaganti ka na sa'kin. Sobra-sobra na nga!"

"Gusto kong maramdaman n'yo ang sakit na yun. At alam mo kung ano pang mas malala? Malalaman ni Vanessa ang rason kung bakit ko kayo ginagantihan. Malalaman niya na bunga siya ng pagkakasala mo!"

Kahati (GMA Magkaagaw Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon