76 - Outside of Paris, advices, & late night thoughts

414 15 27
                                    

It's a very pleasant Sunday morning, maaga na namang nagising si Sander, mga 4am pa lang sa Paris time, dilat na ang kanyang mga mata at gising na gising na ang kanyang isipan. Ngunit alas syete na nang talagang bumangon na siya mula sa kama at nagtimpla ng kape gamit ang nespresso coffee machine na nasa mismong suite. May dalawang plush bathrobe sa suite kaya sinuot niya muna ang isa at nagpunta na siya sa terrace upang doon iiinumin ang kanyang kape habang magmamasid sa view ng morning Paris. Sinilip niya sandali si Diane sa kwarto ngunit masarap pa ang tulog nito. Napagod ito kahapon kaya hinayaan niya na lang itong makapagpahinga ng maigi.

Mga 7hours late ang oras sa France kumpara sa oras doon sa Pinas kaya naisipan niyang i-videocall muna ang pamilya niya doon. Muntik nang madulas si Sander nang sinabi niyang hindi pa siya sigurado kung saan naman sila gagala ng boss niya ngayong araw. Nagulat si Vanessa sa sinabi niya at agad namang nagkatwiran si Sander na ang ibig niyang sabihin ay iba-iba ang venue ng conference at sa ngayong araw ay hindi pa niya alam kung saan. Pinakita pa ni Sander sa kanyang pamilya ang view ng Paris at ng Eiffel tower na kitang-kita mula sa terrace. Syempre hindi alam ni Vanessa na sa iisang suite nagste-stay ang kanyang fiance at ang boss.

Pagkaraan ng mga kalahating oras ay nagmadali na rin si Sander na tapusin ang videocall dahil baka biglang magising si Diane at malaman pa ni Vanessa na tabi silang natulog nito. Mayamaya'y nagising na pala si Diane. Alas tres ng hapon na si Pinas habang alas ocho pa ng umaga sa Paris.

"Bonjour! Kanina ka pa ba gising?" Pagbati ni Diane sa kanya at sinamahan siya sa terrace, naka-robe rin siya.

"Medyo maaga akong nagising. Kumusta ang pakiramdam mo? Okay ka na ba?" Asks Sander with a heartfelt concern.

"Mm-hmm. Okay naman ako." Diane replies with a reassuring smile. "Salamat nga pala kagabi ha. Naging pabigat pa ako sayo."

"Ayos lang yun. Boss kita kaya pagsisilbihan kita."

"Hmm wala naman yun sa job description mo na kailangan mo akong buhatin."

"Diane, marami na tayong ginawa na wala sa job description natin pareho." Sabi ni Sander with that teasing look. Diane gives him the same look. "Minasahe ko nga yung mga paa mo eh kasi parang binugbog ng heels mo."

"What?!" Diane freaks out. "Alam mo ba na hinding-hinding ako nagpapamasahe sa paa ko kasi nakikiliti ako dun?"

"Hm! Ang sarap kaya ng tulog mo." Panunukso ni Sander. "Mamasahe-in ko nga sana ang buong katawan mo eh. Kaso baka ano pang magawa ko sayo habang tulog ka.."

"Alex!!" Kinurot ni Diane ang kanyang assistant sa braso. "Pagod na pagod nga siguro ako kahapon kaya ganun nalang ang tulog ko. Anyway.. maliligo na ako kasi may lakad pa tayo mamaya, sayang ang oras natin dito sa Paris."

Pumasok na si Diane sa living room.

"Gusto mo, sabay na tayong maligo?" Suggest pa ni Sander na may halong panunukso.

Diane glares at him and says, "Wag na, baka ano pang gagawin natin edi lalo pa tayong matagalan dun."

"Ikaw miss D, ha! Ikaw lang nag-iisip ng ganyan!"

"Behave, Alex." Sabi ni Diane at nagpunta na siya sa bathroom para hindi na makita pa ng assistant niya na namumula na ang kanyang pisngi.

*

*

*

*

*

Nakarinig si Regina ng tatlong katok sa pinto habang sinusuot pa niya ang kanyang hikaw. Pagkatapos ay agad na siyang nagtungo sa pintuan para buksan ito kasi alam niyang si Diane yun. And we all know that the dragon boss doesn't like waiting.

Kahati (GMA Magkaagaw Fanfic)Where stories live. Discover now