13 - Dina's one request

108 17 4
                                    

"Now that your dad is gone, what are your plans?" Tanong ni Oliver habang nakasandal sa kanya ang kanyang asawa na katabi niyang naka-upo.Nasa harap nila ang kulay gintong kabaong na napapaligiran ng napakaraming puting bulaklak. Ito ang unang gabi ng lamay ng yumaong si Romualdo.

"The company is now all on my hands. Do you think I can do it?"

"Honey.. Of course you can. There's no other deserving person to be running the company. You've prepared for this your whole life."

Umupo ng maayos si Diane para makausap nang harapan ang kanyang asawa.

"What I mean is.. Will I be able to do it alone? On my own?"

"What do you mean, hun?"

"Oliver.." Hinawakan ni Diane ang kamay ng kanyang asawa bago pa nagpatuloy. "How about let's live altogether here? With Daniver, with mom. You quit your job and we could start a new life here in the Philippines. We run the company together."

"Honey.. You always know how much I want to be with you. But I'm sorry I can't. I can't quit my job. I grew up in the US and I just can't leave that place. My parents are there, my friends. My whole life's been there. Honey, I'm sorry. It's just.. It just doesn't feel right to me."

Tumango na lamang si Diane at pilit na pinipigilan ang kanyang mga luha. Dahil alam niyang kailangan niyang mamili sa dalawa, ang makasama ang kanyang asawa o ang gampanan ang kanyang responsibilidad sa kompanya. At alam niyang mas dapat niyang piliin ang huli.

"You'll be fine on your own." Pag-i-encourage ni Oliver. "And besides, we are already getting used to our arrangement. You come and visit us every year. You know that I love you and support you no matter what that's why I'm not holding you back from your responsibilities with the company, even if it means we're going to be a thousand miles apart. Trust me, you will be just great."

"Okay."

"And our son, I promise I'm going to take care of him more than anyone else. I don't want you to worry about everything so you can focus on doing your thing."

"Oliver, you are so great." Paiyak na sabi ni Diane.

"I love you, Diane."

"I love you, too." Niyakap nila ang isa't isa.

Biglang dumating ang kanilang anak, ang walong taong gulang na si Daniver.

"Mommy? Why are you crying again?" Tanong ng bata nang tumabi ito sa kanya. Ngayon lang nakapunta ng Pilipinas ang mag-ama kaya pareho silang hindi marunong mag Filipino.

"Nothing, baby." Sagot ni Diane. Pinagitnaan siya ng kanyang mag-ama. Niyakap siya ng dalawa. "I'm so blessed to have you two."

Ang pagpanaw ng CEO ng Martinez Co. ang naging laman ng mga balita sa media at newspaper ng ilang araw. Hindi lamang sa Pilipinas kilala ang Martinez Tower kundi pati na sa buong Southeast Asia. May iminungkahi nga ang kapatid ni Romualdo noon na si Ricardo, ang ama ni Regina, na i-push through na ang planong pagpapatayo ng Martinez Tower sa Singapore at isa pang branch din sa Cebu. Ngunit namatay nalang si Romualdo at hindi pa ito naitupad. Ang branch sa Singapore ay pamumunuan sana ni Ricardo at ang sa Cebu naman ay sa bunso at nag-iisa nilang babaeng kapatid na si Rosalia.

Sa huling gabi ng lamay ay napakaraming bisitang dumating na nakiramay lalo na sa araw ng libing. Buong angkan ng Martinez at Saavedra ang pumunta. Mga kaibigan at iba pang kakilala ng pamilya ay naroon rin. Pati na mga kaibigang politiko at mga kasosyo sa negosyo ay nakiramay rin.

Kinabukasan pagkatapos ng mailibing na ang ama ni Diane, umuwi na pabalik ng New York si Oliver at ang anak nilang si Daniver. Nagpaiwan si Dina sa Pilipinas para may makakasama sa bahay si Diane dahil kabago-bago lang mawala ng kanyang ama.

Kahati (GMA Magkaagaw Fanfic)Where stories live. Discover now