Chapter 16

2 0 0
                                    

ELLISH

Pagdating ng Wednesday ay nag ayos na'ko para pumasok sa school pero 'yung utak ko ay si Gray pa rin ang laman.

Pagbaba ko ay parang may kausap si kuya sa kusina kaya nagtaka ako, dahil nung lumabas ako ng kwarto chineck ko si Kyb at nagsasapatos na ito. Sino naman to?

"Kuya, sino—"

"GRAY?!" Gulat na wika ko pag harap niya sa'kin.

"Good morning." Bati nito sa'kin atsaka ngumiti.

"Anong ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong ko.

"Sinabi niya na sa'kin. Pinagpaalam ka niya kung pwede ka ba daw niyang ligawan." Paliwanag ni kuya kaya napatitig ako kay Gray at napakurap ng ilang beses dahil sa sinabi ni kuya.

"S-seryoso?" Nagtataka paring tanong ko habang umuupo sa tabi ni Gray.

"Hindi, joke lang." Sakristikong sagot ni kuya kaya natawa ako.

"Oo nga, nakikita mong nandiyan na si Gray eh magtatanong ka pa." Dagdag pa nito, tusukin ko ito sa tinidor eh.

"Lakas ng loob natin ah." Bulong ko kay Gray habang kumakain kami kaya natawa ito.

"For you, I will be the bravest person just to show you how much I love you." Banat nito. Hindi ko nalang pinansin ang banat niya, kay aga-aga.

"Kyb, kumain kana." Aya ni kuya kay Kyb na kakababa lang.

"Yes kuya." Atsaka na ito umupo sa tabi ni kuya.

"And now, who has a crush in school?" Mapanuksong tanong ni Kyb kaya napaikot ang mga mata ko dahil sa tanong niya, kapatid ko ba talaga 'to?

"Nagsalita ang walang crush sa school." Pagbibiro ko rin kay Kyb kaya natawa si kuya sa'min.

"Mag ate nga talaga kayo." Umiling si kuya.

"Kuya Shawn ako na po ang maghahatid kay Ellish sa school." Paalam ni Gray kay kuya pagkatapos naming kumain.

"Alright, Gray ingatan mo kapatid ko. Kung hindi lagot ka sa'kin." Banta ni kuya kaya pinalo ko siya sa braso habang papalabas na kami sa bahay.

"I will take care of her." Sabay ngiti nito kay kuya, kaya pinuntahan na namin ang sasakyan ni Gray at nagtungo sa school.

"Ano kaya magiging reaction nila Nahla?" Tanong ko sa kaniya.

"Silly, of course they will be happy, kasi ako yung manliligaw mo." Mayabang na sagot nito kaya napairap ako.

"Hindi ko alam na may habagat pala ngayon. Ang hangin." Natawa naman ito sa sinabi ko.

Tinitigan ko lang siya habang tumatawa siya, kaya naman gumawa siya ng weird na mukha na parang nag tatanong na kinatawa ko naman.

"Ang cute mo kasi tumawa! You should start smiling more, it suits you."

"Sure?"

"Yes! Hindi iyung lagi kang seryoso ang mukha okaya naman ay kalma't walang emosyon." Ginaya ko pa mukha niya kapag seryoso. Tinignan niya ako at tumawa.

"Thank you for being the reason why I'm happy again." Pag amin niya. Nginitian ko lang ito habang tinatago ang pisngi ko.

Pagpark niya ay bumaba na kami at sa 'di inaasang pagkakataon ay magkatabi ang kotse nila ni Gray kaya nagkita kaming muli. Noong nakaraan kasi ay parang iniiwasan niya ako, gusto ko na sana siyang kausapin pero naging mailap siya.

"Ellish, can we talk?" Tanong nito na ikinabigla ko dahil wala itong halong pagtataray o anuman.

"Sure." Sagot ko kaya pinauna ko na si Gray kahit nag aalangan ito.

A Place In My Heart [Editing]Where stories live. Discover now