Chapter 3

13 3 0
                                    

ELLISH

After three days, pasukan na! Napaka bilis ng oras, finally makakapasok na kami sa eskwelahan. Well, I'm excited on what's going to happen today.

"Kyb, let's go." Sabay abot ko sa bag niya, ngayon din kasi ang first day of school niya.

"Hatid ko na kayo Elly, tara na." Pagyaya ni kuya sa'min habang inaayos ang necktie niya.

Papasok rin si kuya pero sa trabaho naman. May company kasi kami at si kuya na ang nagma-manage nito simula noong namatay si daddy. Kaya sumakay na kami sa kotse niya at nagtungo sa school, una namin hinatid si Kyb.

"Kyb, don't get involve in any trouble, ok?" Paalala ni kuya sa kan'ya.

"Yes, kuya." Atsaka ko na siya hinatid sa may entrance.

"Good luck and enjoy Kyb!" Gunita ko atsaka ko mahinang tinapik ang ulo niya.

"Yes ate, bye." Atsaka na siya tuluyang pumasok sa loob.

Ako naman ang sunod na hinatid ni kuya

"Elly, ikaw din wag sasali sa kung ano mang gulo." Paalala din nito sakin, kaya naisipan ko siyang lokohin.

"Let me think about it kuya." Atsaka nagkunwaring nag-iisip.

"Abat- hoy! Umayos ka!" Banta nito, kaya natawa ako nang malakas.

"Tanong, nasali na ba ako sa ano mang gulo sa school?" matapang na tanong ko dito.

"Edi ikaw na." Pagsuko nito.

Tumigil siya sa harap ng eskwelahan ko, narito na kami.

"Mabait kaya ako." Atsaka ko na binuksan ang pinto ng kotse.

"Pumasok ka na nga, shoo!" Pagtaboy nito sa'kin, tinignan ko siya ng masama at nag pout. Natawa naman siya sa reaction ko.

"Have a great day, Elly!" Sabay ngiti nito 'tsaka na umalis.

Pag pasok ko sa school dami na agad nakatingin sa'kin, gano'n ba ako ka ganda? CHAROT.

'Di ko nalang sila pinansin at hinanap si na Nahla para sabay-sabay na kami pumasok sa room.

"Look who's back." Mataray na sabi ni Vaness kasama 'yung tatlo niyang alipores.

"Isn't it obvious?" Kalmado at sarkastiko kong sagot sakan'ya.

"You're still the same." Maarteng tumawa ito.

"If you wouldn't mind, please step aside 'cause you're blocking my way." Walang emosyon na wika ko dito, dahilan nang pag ikot ng mga mata niya, sundutin ko 'yan, eh.

"Still arrogant, huh?!" Sabay taas ng kilay niya.

Ellish, inhale, exhale, kalma self. Inggit lang talaga 'yang nasa harapan mo.

"I'm not arrogant, im just stating a FACT, 'cause you're really BLOCKING my way." Sabay ngiti ko dito at alam kong sa pag-ngiti ko sa kan'ya ay nag aalburoto na ito sa galit.

"The hallway is wide open, why don't you," Sabay turo nito sa'kin 'tsaka ngumisi, "Step aside and walk that way."

Kaya sa inasta niya ay napangisi ako. tinignan ko s'ya diretso sa mata 'yung tipong tingin ko palang manginginig na kaluluwa niya sa takot.

"It's your idea, why don't you be the one, who will walk that way, VANESS." Sabay lapit ko dito.

Isang hakbang ko palang ay napa-atras na siya. Naiilang pa itong natawa. What a coward.

At dahil sa pag atras nito ay nagkaroon ng espasyo sa pagitan nila ng mga alipores niya. Kaya't kinuha ko 'yung chance na 'yon para makadaan na. Pero bago ako tuluyang umalis nginitian ko muna si Vaness para lalo siyang mainis.

A Place In My Heart [Editing]Where stories live. Discover now