Chapter 41

0 0 0
                                    

ELLISH

"Hiwalay na pala sila?" Kwento ko kay Nahla habang nasa office ko siya

"Di nga?" Mangha niyang tanong. So, di din pala nila alam

"Hindi mo alam?" Tanong ko sa kaniya at kumuha ng chips

"Alam ko" sagot niya kaya binatukan ko siya

"Alam mo naman pala, nagpanggap kapa kanina, kaltukan ulit kita eh." Pagbibiro ko sa kaniya kaya tinawanan niya ako.

"He told us, pero syempre di na namin binanggit sayo." Patuloy niya

"Hindi naman nawala ang connection namin dahil magkakaibigan parin naman." Kwento niya kaya tumango-tango ako

"Yeah, nakwento kolang dahil ako ang kinuhang designer ni Fiona para sa wedding niya." pagkasabi ko non ay nanlaki ang mga mata niya.

"So, nameet mona siya?" Gulat niyang tanong kaya natawa ako

"Kakasabi kolang girl" sabay inom ng tubig.

Dumiretso kasi siya dito kanina, after lunch. Wala na siyang trabaho dahil half day lang siyang nagturo kaya pumunta siya dito.

"Mabait naman siya eh" patuloy ni Nahla kaya napataas ang kilay ko

"Pinakilala din kasi siya samin ni Gray" sagot niya ng malaman niyang nacurious ako. So, pinakilala din niya pala si Fioan, ah..

"Maganda na, mabait pa, kaso sadyang naipit lang talaga sila." Patuloy niya pero nanahimik lang ako

"Napano ka?" Natatawa niyang tanong

"Wala" pagkukunwari ko. I don't know, basta parang nawala lang ako sa mood after ng mga sinabi niya. Well, tama naman siya, maganda at mabait si Fiona.

"Selos kaba girl?" Pagbibiro niya kaya natawa ako

"Asa, move on na to no" sagot ko sa kaniya sabay flip sa buhok ko

"Naiinis ako sa buhok mo, gusto ko din pakulay" sabay sabunot niya sakin. Sira talaga to.

"Bat dika pakulay, ay oo nga pala" narealize ko bigla dahil teacher nga pala siya, gusto kasi niyang magpakulay ng buhok, hindi naman yun bawal pero gusto niya ay blue kaya mas magandang wag na lang muna.

"Kainggit" sabay pout niya. Naging matured man kami, may side parin na lumalabas ang pagiging isip bata namin haha.

"Pagupit mo nalang" pagdidimonyo ko sa kaniya mahaba narin kasi ang buhok niya.

"Tumigil ka" pagrereklamo niya at tinakpan ang tainga niya

"Kulot nalang" suggest ko sa kaniya kaya kuminang ang mga mata niya

"Ayun, balak ko din magpakulot, samahan mo ako ah" sagot niya kaya tumango ako.

"Wala kana bang feelings kay Gray" pag-iiba niya sa usapan kaya napatigil ako.

Wala na nga ba?

"I think meron pa naman pero hindi na gaya ng dati-" pagsagot ko sa kaniya at inalala ang nakaraan namin

"His different and no one can replace his position in my heart." Sabay ngiti ko kay Nahla

"Ayun naman pala, tsaka free na kayong dalawa" tugon niya

"What are you waiting for, harot na" maloko niyang sagot kaya natawa ako. Utak talaga nito may sira.

"Sira, wala pa sa ngayon sa isip ko ang magka love life" sagot ko sa kaniya kaya nalungkot ang mukha niya.

"Sure ka? tsk, sayang naman" tugon niya

"Ewan, I think hindi kopa kayang buksan ulit ang puso ko" honest na sagot ko sa kaniya. Totoo naman, I think hindi pa ako ready ulit, grabe talaga ang epekto ni Gray sakin eh no.

A Place In My Heart [Editing]Where stories live. Discover now