Chapter 6

6 1 0
                                    

ELLISH

Rinig na rinig ko pa rin ang boses ni Gray habang sinasabi ang "Goodnight, Elly." Kahit na isang linggo na ang nakakalipas. What's wrong with me?

It's just a simple word, saying goodnight. And it's not a big deal! But damn. Am I starting to have a crush on him?

When I first saw him he really remind me of someone but I can't remember who, especially his grey eyes telling me that I've already meet them before. Feel me? When you met someone and somehow he remind you of a person that you know but you can't remember.

Let's just not think about it now, there's a right time for those questions to be answered. By the way, today is Monday, ang bilis lumipas ng mga araw, July na, grabe! 1 month na pala kami pumapasok sa school. Buti nalang nakaka survive kami.

Pagkatapos ko icheck ang sarili ko sa salamin ay sumakay na'ko sa kotse ko at dumiretso sa CNHS.

Buti nalang at 'di kami nagkikita ni Vaness this past few days siguradong gera na naman kung sakaling makita ko ang bruhang 'yon. Sawang sawa nakong makipagtalo sa kaniya, matanda na kami, kaya sana dumating 'yung araw na magkaayos kaming muli.

Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang makarating ako sa room namin.

Wala pa sina Ian kase maaga pa naman, kaya nilabas ko muna 'yung notebook ko dahil nag research ako sa mga lesson namin para makapag advance reading.

Habang nagbabasa ay may naramdaman akong umupo sa tabi ko, pagtingin ko ay si Gray.

"Morning." Bati nito habang tinitignan ang notebook na hawak ko kaya nailang ako ng konti. Ano ba, self?

"Morning." I try my best not to stutter dahil biglang kumabog ng malakas ang puso ko at bumilis ang pagtibok nito.

"What's that-" 'Di na niya naituloy ang sasabihin niya dahil dumating na itong si Nahla.

"Elly!" Sabay hug nito sa'kin.

"Nakakatulog ka ba ng maayos?" Tanong nito habang inaayos ang bag.

"Oo, bakit?" Mag iintriga na naman ito for sure.

"Kasi parang may narinig ako na-" Atsaka ito lumapit sakin at may ibinulong, "May tumatawag sayo na Elly tapos boses ni Gray yung tumatawag." Bulong nito para 'di marinig ni Gray, atsaka tumawa pagkatapos maibulong sa akin.

"Sira!" Sigaw ko lang sa kan'ya napatingin tuloy ang ibang kaklase namin pero bumalik sila sa ginagawa nila nang mapansing ako ang sumigaw, "Ano-ano na naman naririnig mo." Patuloy ko.

Kaya habang maaga pa ay lumabas muna kami saglit ni Nahla para doon ituloy ang pag uusap namin baka daw marinig ni Gray. Aba't may hiya pala ito. Ba't ba may isa tayong kaibigan na todo mang intriga, noh?

"Baka naman po kasi narinig ko siya nung tinawagan ka niya nung Saturday." Kaya nagulat ako pero hindi ko pinahalata dahil lalo lang itong makakadagdag sa pang aasar niya sa'kin.

"O tapos?" Walang ga'nong sagot ko dito pero deep inside, shems, narinig niya y'on, sana 'di lahat jusko.

"Sayang 'di ko na narinig yung iba niyong pinag usapan dahil napadaan lang naman ako at binigyan na kayo ng 'privacy'." Paliwanag nito habang kumikindat kindat, at nag act pa siya na kunwari nag quote siya sa privacy part.

"ELLISH!" Sigaw ni Kara habang papalapit ito sa'min ni Nahla habang nasa may pintuan kami.

"Yaser is back!" Bungad nito sa'min kaya nagulat ako ng kaonti at 'di agad nakagalaw dahil sa pagkabigla.

"K-kaklase niyo siya?" Nauutal na tanong ni Nahla.

"Yes, sa iisang room lang kami nila Vaness at Friah." Hinihigal na sambit nito, tatakbo takbo kasi eh.

A Place In My Heart [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon