Chapter 2

17 3 1
                                    

ELLISH

Nagising ako bigla nang marinig ko na may kumakatok, "Ma'am?"Tawag sa'kin ng aming katulong.

Enrollment na pala namin ngayon.

"Bakit po, yaya?" Mahina kong tanong, hindi pa kasi ako gising na gising.

"Narito na po si miss Nahla."

Hah? Si Nahla? Ang aga-aga pa, nabubulabog na ang babaeng iyon. "Paki-sabi po, matutulog pa po ako."

7 o'clock pa lang sa umaga, mamayang 8:30 am pa lang ang alis namin.

"Ano 'to Elly? Nagsasalita ka na ngayon habang tulog? Wow!" Kasama pala si Nahla ng katulong namin sa may pinto ng kwarto ko.

Bumangon nalang ako at pinagbuksan siya ng pinto.

Pumunta siya palapit sa'kin atsaka ako binatukan. "Mag-ayos ka na, 8 na daw tayo pupunta doon sabi ni Zaira." 'tsaka siya dumiretso sa higaan ko, sabay higa.

"Gandang salubong naman n'yan Nahla." Sarkastiko kong sagot pero tinawanan n'ya lamang ako. Loka-loka talaga. Kaya naman pumasok nalang ako sa banyo at nag ayos na.

"Tagal mo naman." Iyon ang bungad niya after ko matapos maligo at mag bihis.

Dinilatan ko lang ito at bumaba na kami ng kwarto.

"Yaya, umalis na po ba si kuya?" tanong ko sa katulong bago kami umalis.

"Opo ma'am."

"Si Kyb po?"

"Nag lalaro po sa may garden."

"Osige yaya, alis na po kami." Paalam ko dito at sumakay sa kotse ni Nahla katamad mag drive ehh kaya nakisakay nalang ako.

Pagpasok namin sa coffee shop nakaupo na sila doon. Si Kara nalang wala, late nanaman 'yon for sure. Si Ian kasama iba niyang tropa, kaya all girls lang ang nandito.

"What's up party people!" Masiglang bati ni Nahla sa kanila sabay upo.

"Morning." Pag bati ko rin sa kanila.

"Late na naman si Kara?" Tanong ni Friah, well lagi namang late si Kara. Hindi na iyon kakaiba.

"Kailan pa ba 'di na late 'yon?" Sabi ni Ronna habang nag p-phone.

"So true." Pag sang-ayon ni Cidny, sabay kagat sa tinapay.

"Well look who's here." Sabi ni Zaira kaya napatingin kami sa pintuan.

"Sorry I'm late." Nag peace sign ito, at lumapit papunta sa amin. "By the way, Good morning, everyone!" Bati nito, pag ka lapit niya sa amin.

"Lagi naman." Pambara ni Zaira. "Aray!" Napasigaw si Zaira, eh sinapok ba naman ni Kara.

"Kaya hindi ka na tumangkad, eh! Kompleto tulog mo pero ang liit-liit mo, inom ka gatas girl!" Sagot naman ni Kara. At ayan, nag simula nanaman ang gera.

Kumakain lang kami ng almusal habang nag babangayan ang dalawa.

After kumain ng ilang minuto, nag usap na kami kung saan kami sasakay.

"Let's go." yaya ko sa kanila at tumayo naman agad sila. Atsaka na kami labas.

"Sabay ako sayo Zai." Sabi ni Cidny kay Zaira.

"Ikaw Kara saan ka?" sina Nahla, Friah at Zaira lang kasi may dalang kotse samin

"Luh, sa tingin niyo naman sasakay ako kasama si Zaira? Eh kung mamatay ako diyan." May halong pambabara nanaman ang sagot ni Kara.

A Place In My Heart [Editing]Where stories live. Discover now