Chapter 8

12 1 0
                                    

ELLISH

"Ba't 'di ka sumama sa cafeteria kahapon?" Tanong ni Nahla, sinabi ko lang kasi sa kaniya kahapon na tinatamad ako pero ang totoo ay iniisp ko pa rin kung paano maayos ang problema namin nila Vaness.

"Vaness confronted me yesterday." Sagot ko dito habang kinukuha namin 'yung mga book sa locker na kailangan namin ngayon.

"What?!" Gulat na wika nito atsaka na namin pinagpatuloy ang pagalalakad papunta sa room.

"Yes." Tipid na sagot ko sa kaniya.

"Di niya pa ba talaga maintindihan hanggang ngayon?! ko naman, paulit ulit lang ang peg ni ate ghorl!" Sabay hawak sa ulo niya, na para bang stress na stress.

"You know what Nahla, gusto ko nang maayos itong lahat." Malungkot na turan ko sa kaniya.

"Ako din naman, but Vaness? Mahirap na ayusin yun, kahit anong paliwanag ang gawin natin, lalo na ikaw at si Yaser." Patuloy nito sa sinasabi niya. "Mahirap ipaintindi kung ayaw naman nung tao na yun, na intindihan, diba?"

Well, tama si Nahla mahirap ngang ipaintindi kay Vaness dahil ayaw niyang intindihin yung mga paliwanag ko, namin.

"Ba't kase ang ganda mo girl?" Pagbibiro ni Nahla kaya natawa ako sa sinabi niya, habang papasok na kami sa room konti palang ang mga classmate namin dahil maaga pa.

"Wala, eh. Gan'yan talaga ang buhay." Pagyayabang ko sa kaniya dahil sa pagbibiro niya.

"Naniwala ka naman? Sus san banda 'yung ganda girl?" Sabay irap nito.

"Tsk, from head to toe." Sabay flip ng buhok ko sa mukha niya haba pa naman nito.

"Pwe, pwe." Reklamo nito dahil sa ginawa ko.

"See." Sabay tayo ko pa at umikot na para bang pinapacheck ko sa kaniya ang suot ko.

"Gray." Tawag ni Nahla sa kakarating na si Gray, umupo muna ito bago sumagot, kaya naupo na din ako.

"Hmm? Why?" Tanong nito kay Nahla.

"Maganda ba si Ellish?" Tanong nito kaya nasamid ako sa sarili kong laway, tf!

"Yes." Mabilis na sagot ni Gray kaya 'di ko tuloy siya nagawang tignan at sinamaan lang ng tingin si Nahla na nasa left side ko, habang itong puso ko nagiging abnormal na naman ang tibok.

"Saan banda?" Tanong ulit ni Nahla, habang hinahawakan ang ulo ko dahil natatakpan si Gray.

"Lahat." Mabilis ulit na sagot nito.

Gusto ko tuloy malaman yung expression niya habang sinasagot ang tanong ni Nahla, nakatalikod kase ako sa kaniya at nakaharap kay Nahla. Nahihiya ako na tignan siya at for sure namumula na itong mga pisngi ko kahit 'di ako gano'n kaputi, halata pa rin.

"Seryoso ka?" Tanong ulit ni Nahla kaya tinignan ko si Nahla gamit ang "what kind of questions is that? Stop it." look ko, pero tinawanan lang niya ako.

"Yes, Ellish is really beautiful." Sa sagot niyang yon ay napatingin ako sa kaniya, tumingin lang din ito pabalik sa'kin atsaka tipid na ngumiti at binalik agad ang kalmado niyang expresyon at binalik sa may harapan ang kaniyang tingin.

Pagkatapos ng usapang iyon ay nag umpisa ang klase.


"Sa wakas tapos na rin." Sabay unat ni Nahla.

"Tara na." Aya niya dahil pupunta na kami sa cafeteria.

"Una ka na tatapusin ko lang 'tong sinusulat ko." Sagot ko habang patuloy parin sa pagsulat.

"Sipag mo naman, send mo sakin yan ah?" Tamad kasi magsulat ng babaeng 'to.

"Osige na una na ako sa cafeteria, itong si Ian susuyuin pa si Zaira, buti nalang talaga single ako, less stress." Wika niya sabay labas ng room, habang ako ay patuloy parin sa pagsusulat, konti nalang at matatapos ko na ito.

A Place In My Heart [Editing]Where stories live. Discover now