Chapter 1

49 7 1
                                    

ELLISH

Nakarating na rin ako sa Pilipinas! I'm back! Finally! I'm at the Ninoy Aquino International Airport, and it's currently 7:49 in the morning. Natulugan ko ang buong byahe pero, pagod pa rin ang katawan ko. I also ate my breakfast at the airplane, pero gutom pa rin ako.

Napatingin tuloy ako sa mga naka sabay kong lumabas ng eroplano. Ang iba ay mas matanda na sa akin pero may sumasalubong, habang akong 17 years old na, ay ni isa walang sumundo.

Matawagan nga ang kuya.

Ngunit saktong kukunin kona ang cellphone ko nang nag ring ito.

"Yes?" Sagot ko sa tawag ni kuya.

"Wala naman akong tinatanong, yes na agad sagot mo. Dapat hello, ganon." Napaikot ang aking mata dahil sa kawalang kwenta ang sinabi niya. Buti nalang wala ito ngayon sa harap ko, kung hindi nasapok na siguro ako ngayon.

"Kuya, hindi mo man lang susunduin ang maganda mong kapatid? Dapat nga inuuna mo ako kaysa sa trabaho mo." Pinaliit ko ang boses ko para daw nag papacute ako.

"Tanda tanda muna. Mag-isa kang umuwi! Bahala ka dyan." Sabay tawa ni kuya, ang sama talaga.

"Ang sama mo talaga, noh? Parang 'di kita kapatid. Ampon kalang ata kuya eh." Pang iinis ko.

"Ikaw nga ang pangit mo! Kung ampon ako, ikaw rin ampon. Para parehas tayo." Sabay tawa ng malakas, sakit sa tenga. "Nariyan si manong Bert, pinasundo kita kaya huwag ka na mag-drama." Tumawa nanaman ito.

"Okay." Pinatay ko na ang tawag dahil nakaka umay na siya.

Tinago ko na muna ang cellphone ko, at inayos ang mga gamit ko. Atsaka ko na hinanap si Manong Bert.

Nang mahanap ko na si Manong Bert, agad na akong sumakay, at inayos naman ni Manong ang mga gamit ko sa sasakyan. Kinuha ko ang earphone at cellphone ko, at nagpatugtog. Maya't maya'y nagsimula ng umandar ang kotse. At dahil sa sobrang pagod ay nakatulog ako sa buong byahe.

Nagising ako saktong 9:08 ng umaga, malapit na kami. Napansin ko kasi na nakikilala ko ang dinaraanan namin. Kaya naman nag ayos na ako, nag suklay, nag pabango, nag ayos ng make-up. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin, ganda ko naman.

Pina-park na ni manong ang kotse sa garahe, at ready na ready naman na akong lumabas. Tumigil ang kotse, at sinabihan ako ni manong na siya na ang mag aakyat sa mga gamit ko. Nag thank you naman ako, mabait ako eh. Lumabas na ako at naglakad papunta sa pintuan at binuksan ito.

"WELCOME HOME ELLY!" Malakas na sigaw ng mga tao sa bahay, nagsilapitan pa sila sa akin.

Nariyan ang mga kaibigan ko, si kuya at si Kyb. Pati na rin ang mga katulong namin sa bahay.

Tumatawang lumapit sa akin si kuya at niyakap ako, "You did not expect this, right?" Tumawa ito ng marahan.

Tumango ako, "I thought y'all are busy! Tapos hindi pala! You guys suprised me! Thank you so much!" Masaya kong sabi. Well to be honest speechless ako, I'm really suprised. Akala ko kasi wala silang pake sa pag-uwi ko.

"You're Welcome!" Sabay sabay nilang sabi.

"Let's eat?" pagyaya ni kuya.

Habang kumakain kami, nag simula na ang kwentuhan at tawanan. Non-stop ang pagsasalo namin habang kumakain kaya naman kahit nang matapos kaming kumain tinuloy namin sa sala ang kwentuhan.

A Place In My Heart [Editing]Where stories live. Discover now