Chapter 42

0 0 0
                                    

ELLISH

Urgh, nakakaasar dahil hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Hindi parin kayang absorb lahat ng utak ko ang mga nangyari.

"Ellish, tignan mo sarili mo oh" pagkausap ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin.

*Cring*

"Ay palaka ka!" Gulat na sigaw ko dahil biglang nagring ang cellphone ko dahil busy ako sa pagtingin sa sarili ko.

"Alam ko maganda ako" bungad sakin ni Nahla ng sagutin ko ang telepono kaya napangiwi ako.

"Woh! Hangin, may bagyo ba ngayon?" Sagot ko sa kaniya kaya narinig ko siyang nag "tsk"

"Hoy babae nandito ako sa inyo ngayon baba kana" patuloy niya kaya pinatay kona ang tawag at nag-umpisang mag-ayos.

"Elly umayos ka, pag-isipan mo ng mabuti ang lahat, mahirap ng masaktan ulit." Bulong ko sa sarili ko bago bumaba.

"Morning" bati ko kay Nahla tsaka siya bineso.

"Morning din, panget" sagot niya kaya kinurot ko siya sa tagiliran

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kaniya tsaka nag-umpisang magtype sa telepono.

"Sunday ngayon kaya walang trabaho, samahan moko sa salon" sabay yugyog niya sakin pero busy parin ako sa pagtatype.

"Sige, sige" pagsang-ayon ko sa kaniya pero hindi parin siya tinignan

"Ano bayan?" Tanong niya sa tinatype ko

"Dinudouble check kolang mga kailangan sa wedding ni Fiona at iba pang mga damit na dinisign ko." Sagot ko sa kaniya tsaka na sinend ang mga dapat ayusin sa secretary ko.

"Napaka dedicated mo sa trabaho mo ano" wika niya kaya tinignan ko siya

"Syempre naman, tara na?" Aya ko sa kaniya tsaka na ako nagbihis.

I wear my own designed dress and add a light make up.

"Kaasar yang ganda mo" pagbibiro ni Nahla sakin ng makababa ako. Siya naman ay nakasuot ng light yellow fitted floral dress tsaka siya nagsuot ng 2 inches na heels na color white.

"Pakulay ka nalang rodeo drive blonde" suggest ko sa kaniya pero tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Anong klaseng kulay yan?" Nagtataka niyang tanong kaya natawa ako

"Basta parang brownish, basta ganung color" magulong paliwanag ko sa kaniya tsaka na kami sumakay sa kotse niya.

Pagkalipas ng ilang oras ay nakarating din kami sa salon na lagi naming pinupuntahan noon ni Nahla.

"Miss Nahla-" bati samin nung owner nung salon

"Miss Ellish, is that you?" Gulat nitong tanong sakin kaya umikot ako. Lahat ng mga kakilala ko ay nagugulat sa bago kong look.

Shoulder length hair with radish blonde color, mas tumangkad din ako at mas naging slim ang katawan.

"Both of you are beautiful, even then and now" puri nito samin kaya nagpasalamat kami

"Ano ba naman yan Justine, don't state the fact." Pagbibiro ni Nahla kaya nagtawanan kami

"Pakulay ako ng buhok tsaka kulot nadin" sagot ni Nahla

"Anong klase kulot, wavy lang ba?" Tanong nito kaya agad tumango si Nahla.

"Ano kase yung kulay na sinabi mo Elly?" Tanong ulit sakin ni Nahla habang nakaupo ako at nagpapamanicure at pedicure.

"rodeo drive blonde" sagot ko sa kaniya tsaka chinek ang Instagram ko.

"Alright" sagot ni Justine at siya mismo ang nag-asikaso sa amin.

A Place In My Heart [Editing]Where stories live. Discover now