Chapter 14

1 1 0
                                    

ELLISH

Hindi muna namin kinausap si Nahla para bigyan siya ng space dahil sa nangyari kahapon sa mall.

Tuesday na ngayon at feeling ko may mangyayaring 'di maganda kasi papalapit na naman kami ni Vaness sa isa't- isa.

But I was shocked when she just avoid to have a eye contact with me, it was like she's avoiding me.

Kaya napatigil ako sa paglalakad at sinuri siya pero iniiwasan niya lang magtagpo ang mga mata namin at dumaan sa gilid ng hallway, kaya nagpatuloy nalang ulit ako sa paglalakad at dumiretso sa room. Weird.

Pagpasok ko ay naroon na si Nahla pero wala 'yung kakambal niya. Umupo na ako at tinant'ya muna ang sitwasyon namin bago magsalita.

"Hey." Bati ko dito atsaka lang siya ngumiti ng tipid.

"Are you alright?" Tanong ko sa kaniya

"I-I badly wanted to f-forget him but look at me, I'm still affected about him." Malungkot na paliwanag nito kaya niyakap ko nalang siya dahil 'di ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin.

"You can do it, okay?" Pagpapalakas ko ng loob niya pero tahamik lang siyang nakayap sa akin.

"I know it's hard but you have to set your self free, from the past that's keeping you to feel that way. I know it's hard but you're Nahla, the girl who's brave enough to conquer her fears." Patuloy ko at kumalas sa yakap at hinarap ang mukha niya sakin.

"Don't fool yourself from those emotions, they're just going to destroy you." Payo ko sa kaniya tumango lang siya.

"I'm always here for you." Nginitian ko siya.

"Elly, thank you." Ngumiti muna siya at huminga ng malalim bago magsalita. "Kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko, gaya ng sinabi mo, kaya ko 'to." Pinisil ko ang ilong niya dahilan ng pag tingin niya sa'kin ng masama kaya natawa ako.

"Hey." Bati ni Gray sa amin na tinanguan ko.

Habang itong puso ko automatic na bumilis ang tibok kaya itong si Nahla ubo ng ubo. Buti nalang dumating na 'yung teacher namin kaya dina kami nakapag-usap.

Pagkatapos ng mahabang discussion break time na kaya pumunta na kaming cafeteria.

Nandito na ngayon si Gray dahil na discharged na 'yung mga kapatid niya sa ospital.

Pagkatapos mag order umupo na kami sa usual table namin at kumpleto na kaming mag babarkada kaya kinailangan pang manghila ng isa pang upuan dahil 11 na kami ngayon.

"Nakalimutan ko mag order ng tubig." Puna ko atsaka akmang tatayo.

"Take this." Sabay abot ni Gray sa'kin nung tubig niya kaya itong mga loka loka kong kaibigan todo ngiti, 'yung tipong mapupunit na mga mukha nila kakangiti. Pero tumayo muna saglit si Gray para bumili ulit.

"Bakit 'di pa kasi mag aminan." Wika ni Ronna pagbalik ni Gray

"Sino aamin? Ikaw? Kay Re-" 'Di ko na natuloy yung sasabihin ko kasi tumakbo agad sa'kin si Ronna at tinakpan ang bibig ko kaya humalagapak kami sa kakatawa at si Ronna ayun parang kamatis sa pula, si Renzo naman natawa din dahil sa sinabi ko.

"H-hoy! Ikaw, paano ka? 'Di ka aamin?!" Tanong nito pabalik sa akin kaya kinabahan tuloy ako. Yan kasi Ellish, kagagawan mo yan eh.

"Kanino naman ako aamin?" Tapang tapangan na tanong ko sa kaniya pabalik. Lagot ka talaga sa akin Ronna pag sinabi mo.

"Well kay-" Pangbibitin niya sa amin.

"Is that Skie?" Puna ni Ian kaya napatingin kami sa entrance ng cafeteria, tama siya si Skie nga yun habang may kausap na teacher.

A Place In My Heart [Editing]Where stories live. Discover now