Chapter 43

1 0 0
                                    

ELLISH

3 days later. I'm packing my things to go back to Paris again.

"Ingat ka anak ah" paalam sakin ni mama noong makababa na ako bitbit ang mga dadalhin ko.

"Yes ma, I will miss you" sabay kiss ko sa pisnge niya tsaka na nagpaalam at lumabas ng bahay, bitbit ang mga gamit ko.

"I thought you'll stay here for good." Bungad sakin ni Gray habang nakasandal ito sa kotse niya. Kailan pa to nandito?

"I change my mind" malungkot kong sagot sa kaniya. Feeling ko si Nahla ang nagbalita sa kaniya.

"No matter where you are, I'll take you back." Sagot niya tsaka lumapit sakin at inabutan ako ng bouquet.

"Pfft, it's a prank!" Pagbibiro ko sa kaniya na dahilan ng pagkalito niya. Sinabi siguro ni Nahla na babalik na ako doon pero ang gagawin kolang naman dun ay umattend sa kasal ng kaibigan ko.

"What do you mean?" Nagtataka niyang tanong kaya natawa ako sa kaniya

"Who told you that im leaving?" Tanong ko tsaka niya ako sinamahan na ilagay sa likod ng kotse ko ang mga gamit ko.

"Nahla" sagot niya at hinarapan ako na may malungkot na mukha

"I'll follow you" sagot niya kaya nagulat ako

"Sira, aattend lang ako sa kasal ng friend ko doon." Sagot ko sa kaniya

"W-what? I have tickets already" sabay pakita niya sakin ng plane ticket niya kaya napakamot siya sa ulo.

"False alarm" natatawa kong kumento sa kaniya

"Pero itutuloy ko parin, I'll follow you" sagot niya kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Babalik naman ako" sagot ko, para tuloy kaming magjowa na nagpapaalam sa isat-isa at matagal bago magkita, urgh.

"I'll wait you after the wedding" sagot niya

"Eh?" Tanong ko kaya natawa siya

"There's no turning back. I'll wait for you after the wedding." Patuloy niya at inabot ang kamay ko

"Let's have a date" patuloy niya pero nanatili lang akong tahimik

"Yes or yes?" Tanong niya kaya napangiwi ako

"Wala nabang ibang choices?" Tanong ko pabalik sa kaniya pero tinawanan lang niya ako. Nakakatawa ba yon?

"Saang hotel ka magstay?" Tanong niya kaya sinabi ko sa kaniya

"Alright then, I will just stay there too. I'll wait okay, remember we have a date."paalam niya tsaka na sumakay sa kotse niya at iniwan ako.

Anong nakain nung lalaking yon at kung ano-ano ang ginagawa sa buhay, pwede naman akong hintayin nalang sa Pinas, bakit ba umiinit bigla ulo ko.

Sumakay na ako sa kotse ko at nagtungo sa airport. Habang nasa eroplano ay dumating na ang katabi ko and guess who.

"For you" sabay abot sakin ni Gray ng isang letter na may kasamang isang rose, parang noon lang, at naupo na siya sa tabi ko.

"Thanks" tipid na sagot ko at itinabi sa bag ang letter at rose

"What's wrong with you" nagtataka nitong tanong at sinuri ako kaya nairita ako bigla.

"Walang mali sakin, sobrang ganda lang talaga." Sagot ko at sinalpak ang wireless earphones ko.

May sinasabi siya pero diko na marinig dahil tinodo ko ang volume ng phone ko at naidlip.

A Place In My Heart [Editing]Where stories live. Discover now