Chapter 11

3 0 0
                                    

ELLISH

Linggo ngayon at napag desisyunan naming dalawin ang mga kapatid ni Gray sa hospital.

Ako naman ngayon ang susundo kay Nahla dahil tinatamad siyang mag drive at ayaw sumabay sa kambal niya.

Linggo ngayon at napag desisyunan naming mag kakaibigan na dalawin ang mga kapatid ni Gray. Isasabay ko itong si Nahla dahil tamad daw siya mag drive ngayon at ayaw ring sumabay sa kakambal niya.

Saktong nakarating ako sa tapat ng bahay nila ay tinext ko ito kaso wala naman itong sinagot kaya bumusina na ako. Maya-maya ay nakalabas ito ng gate at pumasok agad sa kotse.

"Bili muna tayong prutas." Aya ni Nahla habang nag da-drive na ako.

Pumunta naman agad ako sa pinaka malapit na tindahan ng prutas at tingil ang sasakyan para makabili ito.

Maya't maya'y naka balik na agad ito, nilagay niya ang prutas sa likod atsaka na kami tumuloy sa hospital.

Ilang minuto lang at nandito na kami kaya bumaba na kami at pagkatapos malaman saang room sila nakapaloob ay pinuntahan na namin ito.

Pagpasok, si Ian at Zaira palang ang nando'n, kaya dumiretso na kami.

"Upo muna kayo." Alok ni Gray sa'min, inilagay naman ni Nahla 'yung basket ng prutas sa may table. "Cupcakes." Alok ulit ni Gray sabay lapag nung box ng cupcakes kaya nginitian lang namin siya. Mukhang 'di siya nakatulog ng maayos dahil sa nangyari.

"Paano ba sila naaksidente?" Tanong ni Ian.

"Nawalan ng preno 'yung kotse kaya bumangga sa puno." Paliwanag ni Gray.

"Ayos na ba sila?" Tanong ko.

"Yes, kailangan nalang nila ng pahinga." Sabay haplos ni Gray do'n sa kapatid niyang nakahiga sa kanang higaan habang nagtutulog ito.

Dalawa ang hospital bed na nandito. Silang dalawa ay magkamukha, kaya inisip ko nalang na kambal ito. Mukha silang limang taong gulang pa lang, ang isa ay may benda sa ulo. Ang isa naman ay maraming galos sa katawan at mukha, may benda rin ito sa ulo.

"Thank God they didn't get major injuries." Buntong hininga ni Gray sabay masahe sa ulo nito at tumingin sa ibaba.

Ang mukha ngayon ni Gray ay napuno ng pag-aalala na dati rati'y  kalmado at seryoso lang ang ipinapakita.

"Nandiyan na sina Kara puntahan lang namin sila." At sabay ng lumabas sina Ian at Zaira. Sina Kara, Friah at Renzo lang ang makakapunta ngayon dahil umalis yung iba.

"Sundan ko lang sila." Paalam din ni Nahla atsaka kami iniwan ni Gray kasama ang mga kapatid nito.

"Gray, kumain ka na ba?" Tanong ko rito, mag aala-una na at kitang kita kasi ang pagkatamlay sa mukha nito.

"Not yet." Tipid na sagot nito at tumabi sa'kin sa may sofa.

"Huwag kang nagpapalipas ng gutom, kain ka na muna." Paalala ko dito pero nanatili lang siyang tahimik sa tabi ko.

Inaantok na siguro 'to, kaya ako na ang tumayo at tinignan 'yung mga pagkain na nasa table buti nalang may kanin at ulam na nakahanda dito kaya binuksan ko na 'yung mga tupperware.

"Eat." Utos ko sa kaniya sabay abot ng kutrasa at tinidor pero tinignan niya lang ito.

"Can I..." Mahina ang tono ng boses niya. "Can I hug you?" Tanong nito habang diretsong nakatingin sa mga mata ko.

He look stressed and I understand him. Naranasan ko na rin kasi ang makitang nasa hindi magandang kalagayan ang kapatid ko. 

Binaba ko ang mga hawak ko kanina at nilapitan siya. Pagkayakap niya palang sa akin narinig ko na agad itong napahikbi. Nagulat ako, hindi ko alam gagawin ko pero hinaplos ko nalang ang likod nito na para bang pinapatahan siya.

A Place In My Heart [Editing]Where stories live. Discover now