Chapter 13

7 0 0
                                    

ELLISH

Pagkatapos kong umuwi kahapon galing ospital ay parang lutang pa rin ako hanggang ngayon. Hindi ko alam kung ano ang gagawin at hindi ako nakatulog dahil kay Gray.

You're driving me crazy, Gray.

I don't know what I'm feeling right now. Happy? Excited? Lastly, scared?

Scared that I might get the wrong idea, I don't want to assume, but damn his actions.

And now I'm effing confused.

"Ellish, ano iniisip mo?" Tanong ni Nahla habang papunta na kami sa cafeteria.

"Monday na Monday mukha kang tanga d'yan." Pang aasar pa nito pagkatapos naming makapag order at umupo sa usual table namin, dahil hindi ko na makain kain ang pagkaing inorder ko sa kakaisip nung nangyari sa may parking ng hospital.

"Manahimik ka muna Nahla, please." Seryosong wika ko dito habang nag-iisip pa rin, kaya tinaas lang niya ang dalawa niyang kamay na parang bang nagsasabing 'suko na ako.'

Kami palang dalawa ni Nahla ang nandito, si Ian, ewan dun kasama si Renzo at Yaser. Sina Friah parating na daw. Si Gray "di muna pumasok dahil walang magbabantay sa mga kapatid niya. Nasa business trip ang mga magulang niya at hindi daw pwedeng i-cancel kaya siya nalang nagprisintang magbantay kahit may katulong naman sila. Napaka huwarang kuya niya talaga.

Gray

Gray

Gray

Bakit niya sinabi 'yun? May pa hawak hawak pa sa baba at pisngi ko, kinurot pa talaga ilong ko. Nakakainis ka, Gray. Ang gulo mo, urgh! Tapos pinag dikit pa talaga nuo namin, ano 'yun? Hahalikan pero huwag nalang pala? Bwisit siya! Napaka gulo niya! Nakaka loka! Kung marinig mo man ito, Gray. Maging straight forward ka nga!

"Huy!" Panggugulat sa'kin ni Zaira.

"Ay Gray-" Dahil sa pagkagulat ay nasabi ko ang pangalan ni Gray at napatakip nalang ako sa aking bibig, patay.

"Ayieeeee!" Pang-aasar nila atsaka na umupo habang nakangiti na parang nanalo sa lotto. Patay.

"Ay Gray!" Panggagaya ni Ronna sa'kin kaya napasapo nalang ako sa noo ko

"Yan, kakaisip mo tuloy sa kaniya nasabi mo pangalan niya." Pang aasar ni Nahla sabay tawa na sinundan naman nung lima. Wala na, sira na buhay ko huhu.

"Dami atang ganap nung umalis kami ahh." Pag iintriga ni Kara.

"Tsk!" Yun lang nasabi ko dahil nabablangko na utak ko.

"Kwento ka naman, uy!" Pagbibiro ni Friah habang inaalog alog ako dahil siya ang katabi ko.

"Mamaya na kumain na muna tayo." Pag iiba ko sa usapan namin.

"MAMAYA?" Pag ulit ni Cidny sa sinabi ko.

"Wag niyong kakalimutan ah sabi niya MAMAYA." Sabay tingin ni Friah sakanila Nahla animong nanay na parang bibilhan ng candy ang mga anak. Ito namang lima tango ng tango habang nakangiti.

Hanggang sa natapos kaming kumain at sabay-sabay na pumunta sa mga rooms namin ay inulit ulit nila yung word na MAMAYA.

"Nahla, ano nga kasi sinabi ni Ellish?" Tanong ni Kara kay Nahla.

"MAMAYA." Sabay tawa nito kaya tumawa na silang lahat pwera sa akin na para bang binagsakan ng langit at lupa.

Pagkatapos ng mahabang discussion ay napag isipan naming pumunta sa mall dahil maaga kaming pinauwi ngayon.

A Place In My Heart [Editing]Where stories live. Discover now