Chapter 7

7 1 0
                                    

ELLISH

Pagkatapos ng nangyari kahapon ay 'di muna namin pinag usapan nung umuwi kami. Para makapag isip muna ang bawat isa sa amin dahil hindi naman pwedeng madaliin ang lahat.

Alam kong mahihirapan kami pero magiging maayos din ang lahat.

Habang kumakain ng agahan napag usapan namin ang nalalapit na kasal nina kuya at ate Lorraine.

"Ano kaya itsura mo n'yan kuya?" Tinawanan ko siya, "huwag ka iiyak ah! wait- naiimagine ko 'yung mukha mo!" Asar ko sa kan'ya 'tsaka tumawa pa lalo. "Ang pangit mo pa naman pag umiiyak ka." Patuloy na pang aasar ko sa kaniya.

"Ako?! Pangit?! Aba't sobrang gwapo ata nitong kuya niyo. Matangkad, Kayumanggi, tapos umiigting pa ang panga, gwapo na, may sense of humor pa at higit sa lahat kaya kong buhayin ang magiging asawa at pamilya ko!" Sabay taas baba ng kilay niya, sobrang makapuri sa sarili pero tama naman lahat ng sinabi niya.

"Sa'n banda?" Nginisian ko siya.

"LAHAT!" sagot nito, yabang!

"Well, dun sa kayang buhayin ang pamilya tama ka don pero dun sa part na gwapo-" napa inom ako ng tubig.

"We're eating, ate, kuya. Why are you so noisy?" Reklamo ni Kyb, kaya siya naman ang pinag tripan namin ni kuya.

"Balita ko Kyb may crush ka daw sa school niyo!" Pang aasar ni kuya kaya tinignan siya ng masama nito.

"I also heard that her name is Nicole!" Asar ko din sa kaniya kaya pati ako ay tinignan niya ng masama dahilan ng pagtawa namin ni kuya.

"YAH! are you guys stalking me?" Tugon nito samin habang naka cross arm at tumigil sa pagkain.

"We're not stalking you, it's just that sobrang talas lang talaga ng mga tenga namin." Atsaka na tumayo si kuya dahil tapos na itong kumain.

"Matalas, I'm not stupid." Sabay tayo ni Kyb habang matalim parin nakatingin samin. Nako, ang baby namin binata na.

"Ok lang naman mag ka-crush Kyb but know your limits." Paalala ko sa kaniya sabay gulo sa buhok niya

"It's just that-" Sabay hinga pa nito ng malalim, atsaka na kami pumunta sa garahe. "Let's not talk about her ate, kuya, please." Pagsusumamo nito, siguro ay nahihiya siya. Ang cute naman nitong nakababata kong kapatid.

"Ok, ok!" Sagot sa kaniya ni kuya kaya ngumiti na ito.

"Una na ako." Paalam ko sa kanila dahil may sarili naman akong sasakyan. Tatlo sasakyan namin, isa kay kuya, isa sa'kin at 'yung pinag service na kotse sa'min ni manong Bert.

Ilang minuto lang ay nakarating na ako sa school kaya pinark ko na ang kotse ko, malas nga lang at kotse ni Vaness ang katabi nito at kakababa lang niya dito.

Vaness, heto nanaman tayo

Paulit ulit na bulong ko sa sarili ko habang papalapit kami sa isa't-isa

"Yaser is back." Bungad nito sa akin. Ang dami ng gumugulo sa utak ko dadagdag kapa Vaness.

Tinanguan ko lang siya.

"Sana imulat niya na ang mga mata niya na hindi ka karapat dapat na gustuhin niya." Sabay irap nito

"Matagal ng mulat ang mga mata niya, Vaness. I've already rejected him, kasi kaibigan lang talaga ang turing ko sa kaniya." seryosong sagot ko dito

"Oh really?!" Sabay takip pa nito sa bibig niya animong nagulat habang nakangiti. Kailan ba 'to matatapos?

"Ano bang meron sayo? Bakit lahat ng gusto ko ay napupunta sayo, huh?!" Patuloy nito, pero nanatili lang ako kalmado at nakatingin ng seryoso sa kan'ya.

A Place In My Heart [Editing]Where stories live. Discover now