Epilogue

5 0 0
                                    

GRAY

Year passed.

Nandito kami ngayon ni Elly sa sala habang pinapanood ulit ang wedding video namin.

"Todo ka iyak dyan oh" pang-aasar sakin ng asawa ko habang nanunuod kami.

"Ikaw kasi eh" sagot ko at nagpout tsaka siya tinignan kaya pinisil niya ang nguso ko.

"Aysus, sabihin mo, head over heels ka sakin." Tsaka siya tumawa at biglang napangiwi.

"Ahhh" daing niya kaya nagpanic ako dahil baka napano na siya

"What's wrong love, love?" Sabay check ko sa kaniya pero nakangiwi lang siya

"M-manganganak na a-ata ako" pagkasabi niya non ay napatigil ako at hinanap ang bag na need namin para sakaling manganak na siya.

"Just calm down love, will be there" paalala ko sa kaniya at binuhat siya ng pang bridal style.

"Inhale, exhale" paalala ko sa kaniya pero nagawa niya pa akong sapukin.

"May masakit ba saan, saan?" Tuloy-tuloy na tanong ko pero napangiwi lang siya

"I-Ikaw ba manganganak o-o ako?" sagot niya habang nasa kotse na kami

"I-Ikaw ang k-kumalma, sira" patuloy niya tsaka kona pinaandar ang sasakyan.

"Eh kasi naman, a-ano ba gagawin ko" balisa kong tanong at nagfocus magmaneho dahil baka mapano kami.

"Ahh" daing niya kaya nagpanic ulit ako

"L-love, saan masakit, saan?" Nag-aalala kong tanong at sinulyapan siya saglit.

Sobra ang kaba ko ngayon habang nagmamaneho dahil manganganak na si Elly.

"Love, stay still alright, we're near already." Tugon ko sa kaniya at tinignan siya habang napapapikit sa sakit.

"Baby please stay still alright, hindi marunong magpanganak si daddy kaya konting tiis muna." Pagkausap ko sa anak ko kaya narinig ko naman na natawa sakin si Elly kahit na masakit na ang nararamdaman niya.

Pagkarating namin sa ospital ay tinawag ko agad ang guard at sinabing manganganak na ang asawa ko kaya dali-dali itong tumawag ng nurse. Ako naman ay binalikan si Elly at binuhat.

Pagkababa ko sa kaniya sa wheelchair ay agad namin siyang dinala sa delivery room.

"Kayo po ang asawa sir?" Tanong nung nurse kaya agad akong tumango kaya binigyan niya ako ng lab gown. Nagbihis na ako agad at pumasok.

There I saw Elly laying in the hospital bed.

"Love, you can do this, im just here." pagpapalakas ko sa loob niya kaya ngumiti siya.

"Okay mrs. Villasol, push" wika ni dra. kaya umire si Elly.

"One more, push" patuloy nung dra. at pati ako ay parang napaire din dahil sa nakikita ko.

"G-Gray ako ang n-nganganak hindi i-kaw" wika ni Elly sakin kaya napasapo ako sa noo ko.

"Push!" Sigaw nung doktor kaya umiri si Ellish at ilang segunda lang ay nakarinig kami ng pag-iyak. Ang anak ko, our baby boy.

Pagkaangat ng doktora sa anak namin ay napaluha ako at tinignan si Elly.

"Our baby, love" sagot ko sa kaniya at binigay ni doktora ang anak namin kay Elly.

"Graill Alishno Villasol" tawag ko sa aming anak. Pangalan na hango sa pangalan naming dalawa ni Ellish.

"You look like him" puna ni Elly at hinaplos ang mukha ng anak namin.

Tinitigan ko rin siya at nakuha niya ang kulay ng mga mata pero mas makulay ang sa kaniya, sobrang halata na grey ang kulay nito. Ang labi niya na nakuha niya sa kaniyang ina, ang ilong niya na kasing tangos ng akin.

Our treasure.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 22, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Place In My Heart [Editing]Where stories live. Discover now