Chapter 45

1 0 0
                                    

3 months later...

Nandito ako ngayon sa cemetery habang may bitbit na bulaklak. Namimiss ko na kasi siya, pero tanggap ko na naman na wala na siya.

Alam kong masaya na siya at sinusubaybayan ako at pinoprotektahan.

Inilapag ko na ang bulaklak at hinaplos ang kaniyang lapida at may luhang pumatak sa aking mga mata habang inaalala ang mga huling sandali na magkasama kaming dalawa.

Habang hinahaplos ko ang kaniyang lapida ay biglang humangin na para bang niyayakap ako at sinasabing magiging maayos din ang lahat.

Madami na akong napagdaanan sa buhay, masakit man minsan ngunit laban lang dahil sa mga pinagdaanan ko ay naging mas matapang at malakas ako. Alam kong sa bawat problema na kinahaharap natin ay may aral na nakapalood mula rito. Tama nga ang kasabihang "Kung ano ang itinanim siya rin ang aanihin." Mahirap man sa umpisa worth it naman lahat sa huli.

"Hello po tito." Wika ng isang lalaki na kakarating lang. Ang lalaking nagpatibok muli sa aking puso.

"Pasensya na po at ngayon lang ako magpapakilala." Sabay luhod nito at tumabi sa'kin kaya nginitian ko siya.

"Ako nga po pala si Gray." Pakilala niya kaya natawa ako ng mahina.

"Grabe dad, pinaiyak ako ng todo niyan." Pagbibiro ko kay Gray kaya sinimangutan niya ako at hinawakan ang aking kamay.

"Pasensya na po kayo at nasaktan ko ang anak niyo pero simula palang po noon hanggang ngayon ay siya lang ang minahal at mamahalin ko." Patuloy niya kaya tumayo na kami at binitawan ang kamay ko tsaka humarap sakin.

Nakarecover na si Gray mula sa car accident na dinanas niya. Nag-agaw buhay siya noon at 10% lang ang chance na mabuhay siya at salamat sa Panginoon dahil binigyan niya pa ng pagkakataon si Gray na mabuhay.

Flashback

Noong kinol ako ni tita ay hindi agad ako nakagalaw sa aking kinatatayuan buti nalang at umakyat si mama at magkasama kaming pumunta sa ospital kung saan dinala si Gray.

"M-Ma natatakot ako." Wika ko kay mama habang patuloy pa rin ang mga luha ko sa pagbagsak.

"Magiging maayos din ang lahat anak, magtiwala ka sa Diyos hindi niya pababayaan si Gray." Sagot ni mama habang inaalalayan akong makapunta sa ER.

Pagdating namin doon ay agad kong nakita ang mga magulang ni Gray. Ang mama niya ay walang tigil sa pag-iyak at ang kaniyang asawa ay nakatayo sa kaniyang tabi habang pinapatahan ito at lumuluha din.

Nandito din sina Ian at bakas sa kanilang mukha ang pag-aalala.

"T-tita." Tawag ko sa mama ni Gray at nung makita niya ako ay agad niya akong niyakap at panay ang paghingi ng tawad.

"I-I'm s-sorry Ellish sa g-ginawa n-namin." Sagot nito kaya niyaakap ko din siya pabalik at napangiti.

"Matagal ko na po kayong napatawad tita, nakaraan na po iyon." Sagot ko 'tsaka na kumalas sa yakap ang daddy naman ni Gray ang sunod na lumapit sa'kin at niyakap ako.

Habang yakap ako ng daddy ni Gray ay mas lalo itong umiyak at gaya ni tita at walang awat ang paghingi niya ng tawad kaya kahit ako ay wala na ding tigil ang mga luha ko sa pagtulo.

"P-patawarin mo a-ako, hija. Kasalanan k-ko itong lahat." Paghingi nito ng tawad at kumalas sa yakap kaya ngumiti ako kahit wala paring tigil ang mga luha ko sa pag-agos.

"N-napatawad ko na po kayo t-tito noon pa." Sagot ko kaya nagpasalamat siya sa'kin.

Parang biglang gumaan ang pakiramdam ko kahit konti dahil sa wakas nagkapatawaran din. Matagal ko ng napatawad ang mga magulang ni Gray alam kong mahirap din para sa kanila.

A Place In My Heart [Editing]Kde žijí příběhy. Začni objevovat