Chapter 10

4 0 0
                                    

ELLISH

Noong nakapili na lahat ng bike ay pinaalala ni Ian 'yung dare sa'min.

"Oh Ellish, Friah, Yaser." Kaya tumango lang kaming tatlo at humiwalay ng daan sa kanila habang nag uumpisa ng mag bike.

"It's been a long time since we ride a bike together." Sabay ngiti ni Yaser, kaya nginitian ko lang siya bilang sagot.

"Let's stop there for awhile." Aya ni Yaser sa'min.

"Manong isa pong cookies and cream at dalawang chocolate ice cream." Bumili muna ng ice cream si Yaser bago kami umupo doon sa ilalim nung malaking puno dito, parang park ang lugar na ito, magandang rin siya para mag bisikleta.

"Here." Sabay abot ni Yaser sa ice cream na cookies & cream sa'kin at kay Friah 'yung chocolate, favorite flavor kasi namin ito sa ice cream na madalas naming bilhin nung mga bata pa kami tuwing napapagod kami kakalaro.

"Since the three of us is here, I wanted to talk about what happened to us before." Panimula ni Yaser. "First of all, I wanted to say sorry for the both of you." Patuloy nito kaya nag focus kami sa kaniya. "I'm sorry, dahil sa'kin naging ganito. Nagalit sayo si Vaness ng dahil sa'kin." Sabay tingin niya sa akin.

"I'm sorry, Friah, dahil hindi ko kayang suklian 'yung nararamdaman mo, mahalaga ka sa'kin dahil kaibigan kita, kaya sobra akong nagsisi kung nasaktan kita." Sabay tingin niya kay Friah, si Friah naman ay namumula na ang ilong dahil mukhang any time iiyak na.

"Naiintindihan ko naman 'yon Yaser, I'm sorry din kasi nahihirapan kang kumilos dahil may gusto ako sayo." Sabay punas ni Friah sa luha niyang unti unti ng pumatak.

"Hey, don't cry, wala kang kasalanan." Sabay lapit nito kay Friah at yinakap.

Pati tuloy ako naluluha na, makita kolang silang maayos na, ok na din ako. Ang gusto ko lang naman talaga ay magkaayos na kami.

"Sama ako." Sabay yakap ko sa kanilang dalawa, kaya natawa kami. 'Di man kami nag sasalita alam kong naiintindihan namin ang isa't isa.

"Yung mga prinsesa ko talaga, iyakin lalo kana Friah." Puna ni Yaser sa'min kaya natawa kami. He always call us his princesses, me, Nahla, Friah and Vaness, when we were still young until now.

"Yung ilong mo haha, para ka ng si Rudolph." Sabay tawa ko habang pinupunasan ang luha ko at kumalas na kami sa pagkakayap sa isa's-isa.

"Ellish, I'm really so-" Hindinna niya natuloy ang sasabihin niya dahil inilagay ko yung hintuturo ko sa labi niya upang 'di na siya mag salita.

"Ba't ka ba nag sosorry? Wala ka namang kasalanan. Atsaka 'di naman ako galit sa'yo, noh? Alam ko ang mga rason ni Vaness kung bakit siya naging gano'n sa'kin, hindi ko naman siya masisisi. Ang akin lang naman dapat sinabi niya nung una pa lang para hindi naging ganito." Paliwanag ko.

"Ba't kasi ang ganda ko yan tuloy nafall ka." Pagbibiro ko kay Yaser kaya natawa kaming tatlo.

"Noon, ngayon hindi na." Pang aasar niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"You look so scary in that way, stop it." Pang aasar uli nito kaya binatukan ko siya.

"Ang sama mo!" Sagot ko sa kaniya.

"By the way I already talked to Vaness, pero ayaw pa rin niyang tanggapin na hanggang kaibigan lang ang turing ko sa kaniya, and she's begging again to me. Siya nalang daw ang piliin ko." Sabay yuko nito. Alam kong nahihirapan siya dahil pinapahalagahan niya kaming mga kaibigan niya ng sobra sobra.

"I will talk to her." Prisinta ko kaya napatingin silang dalawa sa'kin.

"She will not listen to you, Ellish. I will fix the mess I've caused." Sabay tingin nito sa'kin.

A Place In My Heart [Editing]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant